in

Undocumented, inireport sa awtoridad ng duktor sa halip na gamutin

Isang duktor sa pronto soccorso o ER ng isang ospital sa Trento, ayon sa ulat ng Corriere, ang diumano’y tumangging gamutin ang isang dayuhan na expired ang permit to stay at sa halip ay tumawag ng Carabinieri.

Ang mga pangyayari ay naganap  umano noong Hulyo ngunit lumabas lamang ang balita kamakailan.

Sinundo umano ang dayuhan at dinala sa istasyon  ng pulis at doon ay kinilala nang hindi man lamang sumailalim sa pagsusuri at ni hindi tumanggap ng serbisyong medikal.

Bagaman ang lahat ng ito ay kasalukyang sinusuri ay naging mainit ang diskusyon ukol sa naging sagot ni Minister of Interior, Matteo Salvini. Nagpakita ng pagsang ayon sa duktor ang ministro: “May obligasyon tayong ibigay ang pangangailangang pang kalusugan sa lahat, ngunit hindi natin dapat kalimutan ang pangangailangang tugisin ang irregular immigration”.

Sa katunayan, ay mabilis ang naging aksyon ng presidente ng Federazione Nazionale degli Ordini dei Medici Chirurghi e degli Odontoiatri Filippo Anelli: “Kapag kalusugan ang usapan, hindi namin kailangan ng mga fans”. Ang tumangging duktor ay bibigyang leksyon upang maprotektahan rin ang sinumpaang tungkulin sa propesyon batay sa umiiral na regulasyon.

Gayunpaman, matatandaang nasasaad sa artikulo 35 ng D. Lgs. 286/98 ang nagbabawal sa paghahabla sa awtoridad ng mga undocumented na nasa bansa na nangangailangan ng tulong medikal.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OAV Registration sa North Italy

Disegno Legge 718 ng Lega: Test di Cittadinanza