Matatagpuan on line ang eksaktong bilang ng mga mag-aaral na maaaring mag-submit ng aplikasyon sa mga Italian consulates sa iba’t ibang bansa. Sa Setyembre ang entrance exam.
Rome – Muling binubuksan ang mga unibersidad sa Italya para sa mga dayuhang mag-aaral na nakatira sa ibang bansa. Isang magandang pagkakataon na mananatiling bukas hanggang sa susunod na Autumn.
Mula noong nakaraang Mayo 23, ang mga estudyanteng naghahangad na makapag-aral sa Italya ay maaaring mag-submit ng application sa mga Italian consulates sa sariling bansa. Ang mga kinatawan sa mga konsulado ang nagtakda ng deadline ng submission ng mga aplikasyon sa bawat bansa, alamin ang petsa upang maiwasan ang mahuli sa submission.
Sa Hulyo, ang mga consulates ay ipapadala ang mga aplikasyon sa mga unibersidad at sa Agosto ay ilalabas ang listahan ng mga mag-aaral na maaaring kumuha ng italian language test gayun din ng mga entrance exam para sa mga quota course na naka-iskedyul sa unang bahagi ng Setyembre. Ang mga mag-aaral ay darating sa Italya na may student visa, sakaling papasa sa entrance exam ay mananatili sa bansa upang mag-enrol na unibersidad.
Ang bawat unibersidad ay naghayag nà ng bilang ng mga banyagang mag-aaral na tatanggapin sa bawat kurso. Upang malaman kung gaano karami o kung saan mas maraming pagkakataon, maaaring sumangguni sa website http://www.studiare-in-italia.it/studentistranieri/elenco2011/
Tandaan na ang pamamaraang ito ay sumasaklaw lamang sa mga dayuhang mag-aaral na nakatira sa ibang bansa. Ang mga regular na dayuhan na naninirahan sa Italya ay maaaring mag-enrol sa anumang unibersidad sa parehong pamamaraan ng mga Italians. Gayunpaman, kakailanganin ang diploma (dito sa Italya o sa sariling bansa) na nagpapahintulot na makapasok sa mga unibersidad.