in

Unità d’Italia o ang Araw ng Pagkakaisa ng Italya

Ipagdiriwang ang ika-sandaan at limampung  anibersaryo ng pagkakabuklod ng Italya sa ika 17 ng Marzo ng taong kasalukuyan. Mula lamang noong  1861, pagkatapos ng mahabang panahon ng dibisyon at dominasyon ng mga dayuhan, ang Italya ay pinag-isa at inihalal ang unang unang parlamento. Mula noon ay nagkaisa at nilampasan ang  dalawang digmaang pandaigdig, ang diktadura ng pasista at mga taon ng terorismo sa pulitika. Ang pagkakaisa ay hindi kinuwestyon kahit na ng Pederalismo, ang mga reporma ay sinimulan sa mga nakaraang taon na naglalayong magbigay ng higit na kapangyarihan at awtonomya sa rehiyon at munisipalidad na may paggalang sa mga sentral na pamahalaan. Ang Pederalismo ay isa sa mga pangunahing puntos ng programa ng Lega Nord, isang partido na nag hayag bilang tagapag tanggol ng interes ng hilaga, ang pinakamayamang at pinaka produktibong rehiyon ng Italya. Dahil sa interes na ito, ang partido ay umabot sa pagbabanta ng “pagtiwalag”, isang deklarasyon ng pag sasarili ng hilagang Italya. Nagdulot ito ng kahihiyan, dahil ngayon ang Lega Nord ay bahagi ng pamahalaan na magdidiwang ng pagkakaisa ng bansa.

Ikaw, ipagdiriwang mo ba o hindi ang araw ng Pagkakaisa ng Italya bilang bansang kumupkop sa iyo? Aawitin mo din ba ng may paggalang ang Inno di Mameli, ang National anthem ng Italia tulad ng ‘Lupang Hinirang’?

Sa lahat po ng sumusubaybay ng ‘akoaypilipino.eu’ inaasahan ko po ang inyong kolaborasyon at mga comments. Maraming salamat po.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ethnic foods, popular ngayon sa Italya.

Direct Hire, umabot na ng halos 406,000 application, para sa quota na 100,000 lamang