Gobyerno nagtakda ng bilang upang magpapapasok ng mga dayuhan. Sobrang dami naman yata ng bilang na kanilang itinakda sapagkat ang kanilang laro ay tapos na.
Roma – Napabalitang papapasukin sa Italya ang mga dayuhang estudyante sa taong ito mula ngayong autumn. Ito diumano’y teoriya lamang sapagkat ang totoo, ang number of entries ay konti lamang.
Naghanda ang gobyerno ng isang decree na magtatakda ng bilang ng entry visa upang magkaroon ng access ang mga dayuhang estudyante sa unibesidad at makakuha ng kursong arte, musika at choreography sa taong 2010-2010. Sa teksto may 48.877 entry visa, 42,482 para sa unibersidad, 6.395 para sa konserbatoryo at pang-akademya.
Ang bilang ng visa ay magpupuno sa mga puwestong nakareserba sa mga italian universities para sa mga dayuhang estudyante na naninirahan sa labas ng bansa, samantala, ang mga dayuhang legal na naninirahan sa bansang Italya ay maaari din magpalista at may pantay na karapatan tulad ng mga italyano. Subalit ang larong ito ay tapos na sapagkat ang enrollment at aplikasyon ay dapat isinagawa sa konsulado noong Mayo at Hunyo at ang sinumang nakapasa ay siguradong narito na sa Italya.
Ayon kay Elvio Pasca ng stranieri in italia, dapat nang vigila ng gobyerno ang pagbibigay ng pag-asa at pagtatakda ng mataas na bilang ng quota. Sa kasalukuyan may humigit kumulang na 50,000 na kabataan ang nag-aaral sa mga italian universities. Paano nila maipapasok ang quota ng mga dayuhang kanilang papapasukin sa bansa. (Liza Bueno Magsino)