Nangako ng tulong at suporta sa humanitarian crisis sa Mediterranean si Barack Obama kay Mattarella. “Ito ay isang global problem”. Obama.
Roma, Pebrero 9, 2016 – Tutulungan ng Estados Unidos ang Italya at Europa na harapin ang refugee crisis sa Mediterranean, dahil ito ang isang “global problem”.
Kasama ang NATO at maglalaan ng mga tauhan at sapat na kagamitan upang matulungan ang mga nanganganib ang buhay sa pagitan ng mga alon at sindikato.
Ito ang ipinangako kahapon ni Barack Obama sa Pangulo ng Republika ng Italya Sergio Mattarella sa ginanap na pulong sa Washingtong. Sa kanilang pag-uusap sa Oval office, ay hanagarin ng Pangulo ng Amerika ang pagbibigay ng militar support (ships, plane at bases) sa Mediterranean, at pagkatapos ay bumalik sa tema ng joint declaration sa harapan ng camera sa pagtatapos ng kanilang pulong.
“Matagal ang aming pag-uusap – ayon kay Obama – ang refugee at migrant crisis ay nagbibigay ng matinding epekto sa Europa partikular sa Italya, ayon kay President Mattarella at ito ay kinokonsidera ng Estados Unidos bilang global problem. Ito ay isang problema na apektado rin ang United States na nagiging dahilan ng transatlantic effect”.
“Nais naming makita ang kolaborasyon ng Nato at ng European Union – dagdag pa ni Obama – upang harapin ang humanitarian crisis at pigilan ang illegal human trafficking ng mga sindikato”.
Ganap na sang-ayon si Matarella, na ang Italya at USA ay dapat “alamin ang mahahalagang tema at hamon na dapat harapin, maging ang paraan ng pagharap sa mga ito”. Kabilang sa mga ito ang “migrasyon, na dapat harapin batay sa lawak at kapangyarihan nito ng balanse, makatao, may seguridad at rispeto sa karapatan ng sinumang lumulisan sa sariling bansa“.