Hangad ng Europa ang pagkakaroon ng vaccination passport. Dahil dito, isang panukala ngayong buwan ng Marso ang isusulong ng European Union ukol sa online green pass. Ito ang inanunsyo ng Presidente ng EC na si Ursula Von der Leyen, sa isang tweet nito.
“Layunin ng green pass ang mapatunayan ang pagkakaroon ng bakuna laban covid19 at resulta ng anumang test. Igagalang ang proteksyon ng mga datos, seguridad at privacy”, bigay-diin ng Presidente.
Ang Covid19 green pass ay ang vaccination passport na layuning pahintulutan dahan-dahan ang mga Europeans na makapag-biyahe sa Europa o sa ibang bansa, para sa trabaho o turismo.
Ayon kay Eric Mamer, ang tagapagsalita ng European Commission, ang ehekutibo ay gumagawa ng isang regular na panukala upang “mapadali ang malaya at ligtas na pagbiyahe sa EU. Hangarin ang pagiging epektibo ng green pass sa susunod na 3 buwan o sa Summer”.
“Ang pass ay tumutukoy hindi lamang sa pagbibiyahe sa mga State Members.Upang maiwasan ang anumang diskriminasyon, ang pass ay magtataglay din ng resulta ng mga ginawang test o ang recovery makalipas gumaling sa sakit covid19 disease. Ang pass ay ibabatay sa mga sertipiko ng pagbabakuna na pinagkasunduan na ng mga Member States. Ang mga alituntunin sa datos na ilalagay sa pass ay naaprubahan na noong Enero at tatagal ng tatlong buwan para sa mga gawaing teknikal”.
Gayunpaman, iginigiit ng Presidente ng EU ang kahalagahan ng pagkakaroon ng european approach ng mga vaccination passport. Kahit ang malalaking kumpanya tulad ng Google at Apple ay handang mag-alok ng mga solusyon sa WHO, ngunit ito ay tungkol ito sa pagbabahagi ng mga kumpidensyal na mpormasyon, kaya nililinaw ng Europa ang pagnanais ng isang solusyon sa Europa.
Magpapatuloy ang Bruxelles sa pakikipag-dyalogo sa mga bansa upang “umusad sa direksyong ito hanggang sa Marso“, anila. Para sa maraming bansa sa Europa, ang turismo ay napakahalaga para sa lipunan at sa ekonomiya. (PGA)