Patapos na ang first phase ng vaccination plan sa bansa at sinisimulan ng harapin ang second phase nito. Pagkatapos ng second dose ng mga duktor, nurses, mga healthcare personnel, mga matatanda sa mga health residences o RSA at ang mga over 80s ay haharapin naman ang mga panibagong priyoridad para sa pagbabakuna laban covid19.
Partikular, anim na kategorya ng mga mamamayan ang nasa second phase ng updated vaccination plan ng Italya.
Narito ang listahan ng anim na kategorya batay sa priyoridad
Category 1 – Una sa listahan ang mga ‘estremamente fragili’ o mga taong nasa matinding panganib na mahawa ng covid19. Sila ay ang nasa panganib na magkaroon ng mas malalang karamdaman sanhi ng covid19, mula edad 16 anyos. Tinatayang 2.083.609 katao ang nasa ilalim ng kategoryang ito.
Sa katunayan sa updated vaccination plan ng Italya ay binibigyang priyoridad ang mga taong nasa kritikal na kundisyon dahil nasasakop ng rate of mortality na nauugnay sa covid19. Ang vaccination plan ay hinangad na baguhin upang mailista ang lahat ng mga nasa kategoryang ito isa-isa, batay sa sakit. Partikular ang mga may kapansanan, obese, may Down syndrome, may tumor, diabetic, may sakit sa bato, may respiratory problems, cardiovascular and cerebrovascular diseases, autoimmune, sakit sa atay, cystic fibrosis, neurological problems o sumailalim sa organ transplant.
Ipinapayong kumonsulta sa medico di base o espesyalista ang mga Pilipinong may karamdaman na nabanggit sa itaas at iniisip na nasa ilalim ng kategoryang ito.
Category 2 – Sumusunod sa listahan ng mga priyoridad ay ang mga over 70s: ang mga nasa edad 75-79 yrs old. Tinatayang 2.644.013 katao ang nasa ilalim ng kategoryang ito.
Category 3 – Ang nasa edad 70-74 yrs old. Tinatayang 3.324.360 katao ang mga nasa ilalim ng mga edad na nabanggit.
Category 4 – Ito ay para sa mga mamamayan na mahaharap sa panganib kung mahahawa ng Covid19. Sila ay ang mga nasa edad mula 16 hanggang 69. Tinatayang nasa 5.845.447 katao ang nasa ilalim ng kategoryang ito.
Categorya 5 – Ang mga mamamayan na nasa edad 55-69 anyos. Tinatayang nasa 11.901.855 katao ang nasa isalim ng kategoryang ito.
Category 6 – Ang mga mamamayan na nasa edad 18-54 anyos. Tinatayang aabot sa 29.051.793 katao ang nasa ilalim ng kategoryang ito.
Ang ikalima at huling kategorya ay ang mga mamamayang may magandang kalusugan at malayo sa panganib.
Tanging ang huling kategorya lamang, mula 18 – 54 taong gulang, ang makakatanggap ng bakunang AstraZeneca, tulad ng inirekomenda ng European Medicines Agency (EMA) at ng Italian Medicines Agency (AIFA), na pinahintulutan ang bakuna ngunit mas inirrerekomenda sa mga under 55. Ang unang limang kategorya ng mga mamamayan ay mababakunahan ng dosis ng Pfizer at Moderna, ang mga bakunang mRna.
Ang updated vaccination plan ng Italya para sa second phase ng immunity campaign ay ginawa ng Ministry of Health, sa pakikipagtulungan ng AIFA, ISS at National Agency for Regional Health Services (AGEAS).
(PGA)