in

Validity ng Green pass, posibleng maging 12 buwan

Posibleng magkaroon ng extension sa validity ng Green Pass mula siyam (9) sa labindalawang (12) buwan. 

Nakatakda sa Sept. 6 ang diskusyon sa Parliyamento ng pagsasabatas ng panukala ukol sa Green pass at kung magbibigay ng pahintulot ang CTS, ay posibleng magkaroon ng extension sa validity ng Green pass mula sa kasalukuyang 9 na buwan sa 12 buwan. 

Isinasaalang-alang ang validity ng 12 buwan dahil na din sa posibleng ikatlong dose ng bakuna at bilang tugon sa kahilingan ng maraming duktor dahil sa mga susunod na buwan, marami na sa kanila ang mawawala na ang bisa ng Green pass, matapos mabakunahan sa simula ng taong 2021. 

Nagpahayag naman ng pagsang-ayon kahit si Assessor Alessio D’Amato ng Regione Lazio. “Ako ay sang-ayon sa extension ng validity ng green pass sa 12 buwan, ngunit ito ay dapat na isang desisyon ng nakakarami”, aniya. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

back to school sa italya

Green Pass, ang bagong regulasyon sa mga paaralan at unibersidad simula Sept. 1

domestic job Ako Ay Pilipino

Colf at caregivers ‘no vax’, wala pang opisyal na bilang