Ang kawalan ng extension sa validity ng mga permesso di soggiorno ay naglalagay sa panganib sa agrikultura..
Ito ang babala ng Coldiretti, Confederazione Nazionale Coltivatori Diretti, ang pinakamalaking asosasyon ng representasyon sa agrikultura sa Italya, at humihingi ng aksyon mula sa kinauukulan upang matugunan ang mga pangangailangan sa agrikutura sa panahon ng ani upang hindi masayang ang isang taong trabaho sa mga pananim.
Ayon sa Coldiretti, ay kailangang palawigin ang validity ng mga permesso di soggiorno na nag-expired noong nakaraang July 31, 2021, kahit hanggang December 31, 2021, upang maiwasan ang pag-uwi sa country of origin ng mga seasonal workers na taon ng nagta-trabaho sa Italya.
Halimbawa sa Piacentino, ay maraming mga seasonal workers na Italyano at mga dayuhan. Ito ay nangangahulugan na ang kalahati ng mga pagkaing Made in Italy na matatagpuan sa ating mga hapag ay nagmula sa mga kamay ng mga dayuhang seasonal workers. Kung mawawala ang 42% non-Europeans labor force ay malaking kakulangan sa mga kumpanya.
Upang maisalba umano ang mga produksyong Made in Italy ay kinakailangan din sa lalong madaling panahon ang paglalathala ng Decreto Flussi 2021 upang ang mga aplikasyon ay maisumite na sa pagsisimula ng Setyembre, dagdag pa ng Coldiretti.