in

Validity ng Tessera Sanitaria, pinalawig hanggang June 30, 2020

Tessera Sanitaria Ako Ay Pilipino
Tessera Sanitaria

Dahil sa emerhensyang dulot ng covid19 at mga ipinatupad na restriksyon sa bansa ay pinalawig ang bisa ng ilang mahahalagang dokumento kabilang na ang Tessera Sanitaria. 

Ang sinumang ang Tessera Sanitaria plastificata ay paso o expired na simula January 2020 o nalalapit ang expiration nito hanggang hanggang June 30, 2020 bilang pagsunod sa artikulo 12 talata 1 ng D.L. n. 9 ng March 2, 2020, ay pinalawig ang bisa ng mga dokumento hanggang June 30, 2020.

Sa website ng www.sistemats.it, ang sistema ng TS, gamit ang SPID, ay maaaring mag print ng kopyang papel ng tessera sanitaria at ang validity nito ay hanggang June 30, 2020. Ito ay hindi maaaring magamit sa labas ng bansa. Bilang alternatiba ay maaring tumawag sa kinasasakupang ASL.

Maaari ding walang Tessera Sanitaria plastificata dahil ito ay nawala o hindi natanggap at sa pamamagitan ng website na nabanggit ay maaaring gamitin ang parehong hakbang upang magkaroon ng kopyang papel nito. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang magandang naidulot sa atin ng lockdown?

Pagtatanggal sa trabaho sa panahon ng Covid19, ano ang nasasaad sa batas?