in

Valle d’Aosta sa zona arancione at Campania sa zona gialla

Isang ordinansa ang pinirmahan ni Minister of Health Roberto Speranza kamakailan na naglilipat sa dalawang rehiyon sa mas mataas na risk o panganib, sanhi ng Omicron variant. Ito ay batay sa mga datos mula sa ISS o Istituto Superiore di Sanità. 

Ito ay ang mga rehiyon ng Campania sa yellow zone at Valle d’Aosta sa orange zone simula ngayong araw, January 17, 2022. 

Samakatwid, ang sitwasyon sa kasalukuyan ng Italya ay ang sumusunod:

Zona Bianca o low risk zone

  • Basilicata
  • Molise
  • Puglia
  • Sardegna
  • Umbria

Zona Gialla o moderate risk zone

  • Abruzzo
  • Calabria
  • Campania
  • Emilia Romagna
  • Friuli Venezia Giulia
  • Lazio
  • Liguria
  • Lombardia
  • Marche
  • PA Bolzano
  • PA Trento
  • Piemonte
  • Sicilia
  • Toscana
  • Veneto 

Zona Arancione o high risk zone

  • Valle d’Aosta

Sa kasalukuyan ay walang anumang rehiyon sa zona rossa o very high risk zone.

Gayunpaman, ipinapaalala na walang anumang pagbabago sa restriksyon ang zona bianca at zona gialla kundi tanging ang pamantayang bilang lamang ng mga kaso ng Covid19. Dahil ang pagsusuot ng mask sa outdoor ay mandatory na din kahit sa zona bianca. 

Samantala, sa zona arancione ang sinumang mayroong Super Green pass ay maaaring gawin ang lahat ng mga ginagawa sa zona bianca at gialla. 

Mula zona bianca sa zona gialla 

Ang pangunahing dahilan sa paglipat ng isang rehiyon mula sa zona bianca sa zona gialla ay ang dami ng bilang ng kaso ng Covid19: kung ang bilang ng mga infected ay mas mataas sa 50 cases bawat 100,000 residente. At kung ang bed occupancy sa ICU ay mas mataas sa10% at sa medical area ay mas mataas sa 15%.

Mula zona gialla sa zona arancione

Kung ang bilang ng mga infected ay mula 100 cases bawat 100,000 residente. At kung ang bed occupancy sa ICU ay mas mataas sa 20% at sa medical area ay mas mataas sa 30%. 

Mula zona arancione sa zona rossa

Kung ang bilang ng mga infected ay mula 150 cases bawat 100,000 residente. At ang bed occupancy sa ICU ay mas mataas sa 30% at mas mataas ng 40% sa medical area. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

YOUPol Polizia di Stato Ako Ay Pilipino

YOUPol ng Polizia di Stato, maaaring gamitin sa pagreport ng krimen

Ang mga Application forms ng Decreto Flussi 2021