in

Venice, inilagay sa State of Emergency

Inilagay na sa state of emergency ang Venice at kasabay nito ay inaprubahan ang agarang paglalabas ng relief fund ng 20 million euros.

Ayon sa Actv, ang ahensyang nagpapatakbo ng public transportation sa Venice, tinataya umanong aabot sa 15-20 billion euros ang danyos: limang waterbuses ang nasira, anim na dock ang nagtamo ng mga danyos at ilang pontoon ay nasira din.

Ngunit makalipas lamang ang isang araw ay muling tumaas ang tubig ngayong araw ng Biyernes.

Muling tumunog ang sirena sa Venice bilang hudyat ng pagtaas tubig baha.

Sarado ang Piazza San Marco, Basilica San Marco at Palazzo Ducale. Muli 70% ng sentro ay lubog sa baha makalipas ang alas 11 ng umaga ngayong araw. Sarado ang mga shops, restaurants at bars. Tila isang ghost town na pati ang mga turista ay nagkulong sa kani-kanilang mga hotels matapos na marinig ang hudyat.

Tumaas ang tubig baha hanggang 154 cms. Bagaman unti-unting bumaba makalipas ang ilang oras, ay muling nagdulot ng takot at pangamba sa karamihan.

Matatandaang noong Martes ng gabi ay umabot hanggang 187 cms ang taas ng high tide, dahilan ng pagsasarado ng mga paaralan sa lahat ng antas at pagtatanggal pati ng elektrisidad.

Simula 1872 ay hindi nagtala ng dalawang magkasunod na pagtaas ng tubig baha na higit sa 150 cms sa isang taon, partikular ang pangyayari ngayon na magkasunod sa parehong linggo at araw lamang ang pagitan.

Kaugnay nito, inaasahan ni Mayor Luigi Brugnaro ang pakikiisa ng lahat at iwasan muna ng mga residente at mga turista ang paglabas o pamamasayal. “Inaanyayahan ang lahat na maging alerto sa bawat balita ukol sa pagtaas ng tubig”.

May ilan po sa ating mga kababayan na inabot at pinasok po ng tubig ang kanilang tahanan. First time po naming naranasan ang ganon kataas na Acqualta. Takot, Puyat at pagod ang nararanasan ng bawat isa. Ganon pa man salamat sa gabay ng Diyos at kami’y ligtas”, ayon kay Mavic Halunajan.

Maliban sa nabasa ang mga damit at gamit ay sinigurado naman ni Consul at acting Head of Post Mersole Mellejor Jr. na nasa mabuting kalagayan ang ating mga kababayan sa Venice matapos makausap ang mga ito.

Patuloy aniya ang pagmomonitor ng Konsulado at pinapayuhang mag-ingat sa patuloy na pagtaas ng tubig.

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Dapat Malaman Tungkol sa STOMACH FLU

‘Benvenuti a Milano’, inilunsad!