in

“Verifica di Identità Digitale”, karagdagang verification para sa SPID mula sa INPS

Kahit na ang digital identity na ginagamit ng mga mamamayan sa Italya sa pag-access sa mga official websites ng Public Administration ay nabawasan ang panganib ng online fraud at phishing, ang cyber theft ay patuloy sa pagiging banta sa internet.  

Dahil dito, ang INPS sa mga susunod na araw ay inaasahang magdadagdag ng verification sa Spid, Cie o Cns, sa pag-access sa mga online services. Ito ay tatawaging “verifica di identità digitale” o digital identity verification. 

Ang verification na ito ay awtomatikong magiging aktibo sa oras na may mag-access sa system, na hindi ang frequently user, gamit ang credentials nito, (samakatwid user name at password). Sa ganitong pagkakataon, ang sistema ay magpapadala ng ‘disposable’ confirmation code, sa email at telephone number ng user, na dapat gamitin upang magkaroon ng access. 

Kaugnay nito, ang sistema ay magpapadala din ng notification sa pamamagitan ng email o, kung hindi man, sa mobile phone o sa pamamagitan ng pec, para ipaalam na nabigyan ng access gamit ang bagong credentials ng Spid, Cns o Cie sa kanyang pangalan. Ito ay upang magawa ang mga kinakailangang aksyon sakaling hindi dapat pahintulutan ang access. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Assegno Unico: €210,00 kada anak, kailangang ibalik sa Inps

Decreto Flussi 2023: Nulla osta sa loob ng 30 araw at entry visa sa loob ng 20 araw