in

Virginia Raggi, nanumpa bilang unang babaeng Alkalde ng Roma

Ako ay ang alkalde ng lahat ng mamamayan, pati ng mga hindi ako pinili at binoto. Isang malinis at trasparenteng pamunuan an gaming hangarin”

 

 

Roma, Hunyo 24, 2016 – Hindi naiwasan na maluha sa kagalakan si Virginia Raggi matapos manumpa bilang Mayor ng Roma kahapon, Hunyo 23, 2016 dahil sa unang pagkakataon sa kasaysayan nito ay isang babae ang may suot ng ‘Fascia del Sindaco’ habang nakikipanayam sa mga mamamahayag na sinaksihan ang makasaysayang ebento.  

Sinabi ng bagong alkalde na bilang isang mamamayan ay ipakikita niya at ng kanyang pamunuan ang malinis at trasparenteng pamamahala.  

Ako ay ang alkalde ng lahat ng mamamayan, pati ng mga hindi ako pinili at binoto. Isang malinis at trasparenteng pamunuan ang aming hangarin”. 

Aniya, unang haharapin ang usaping pinansyal ng lahat ng Municipalizzate o kumpanyang pag-aari ng Roma Capitale tulad ng AMA, ATAC, ACEA at iba pa upang malaman ang mga pangunahing problema at agad na mabigyang lunas upang higit na mapabuti ang mga pangunahing serbisyo sa mga residente ng siyudad.  

Matapos manumpa  ay tumungo ang bagong mayor sa Piazza Venezia upang mag alay ng bulaklak sa ‘Altare della Patria’, isang tradisyon na bahagi ng inagurasyon ng bagong mayor ng Kapitolyo ng Italya. Ang panunumpa ay ginanap sa tanggapan ng Alkalde kahapon Hunyo 23, 2016 at walang seremonya ng pagsasaling tungkulin dahil na rin sa ang siyudad ay nasa pansamantalang pamamahala ni Comm. Francesco Paolo Tronca.

Matatandaang nagsimula si Virginia Raggi bilang konsehal ng Roma Capitale noong 2013 bilang miyembro ng Movimento Cinque Stelle. Matapos ang madaliang pagbaba ni Marino ay napagkasunduan ng kanyang grupong politikal na siya ang kandidato bilang alkalde sa susunod na halalan.  

Noong Hunyo 5 ay nakakuha si Raggi ng pinakamataas na boto na humantong sa sa ballottaggio noong Hunyo 19 kung saan nakatunggali si  Roberto Giachetti ng Partito Democratico. Sa ikalawang botohan ay nanalo si Virginia Raggi ng mahigit sa 67% habang ang kandidato ng PD ay nakakuha lamang ng  mahigit sa 32%.

Ang bagong mayor ay isinilang sa Roma, 37 anyos, may asawa at isang anak at tapos ng law sa  Università di Roma TRE. Bilang aktibong Miyembro ng Movimento Cinque stelle , ang bagong Mayor ng Roma ay nangunguna sa promosyon ng good governance ng siydad, trasparente sa lahat ng bahagi ng panunungkulan, tama at tunay na budget o ekonomiya ng administrasyon at ang malawakang pagsisinop ng pamamahala sa mga kawanihang nagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga residente ng siyudad.

Kaugnay nito ay inanusyo rin ang unang Assemblea Capitolina sa Hulyo 7. Sa araw na ito ay ihahayag ng bagong alkalde ang kanyang Giunta. 

Samantala, narito ang listahan ng 48 nahalal na mga consiglieri comunali: 

Maggioranza

M5s (29 consiglieri): Virginia Raggi, Marcello De Vito, Paolo Ferrara, Annalisa Bernabei, Daniele Frongia, Carola Penna, Enrico Stefano, Eleonora Guadagno, Daniele Diaco, Alessandra Agnello, Roberto Di Palma, Nello Angelucci, Gemma Guerrini, Sara Seccia, Giuliano Pacetti, Valentina Vivarelli, Simona Donati, Teresa Maria Zotta, Donatella Iorio, Maria Agnese Catini, Angelo Sturni, Fabio Tranchina, Pietro Calabrese, Angelo Diario, Andrea Coia, Cristina Grancio, Alisia Mariani, Cristiana Paciocco e Monica Montella. 

Minoranza

Pd (8 consiglieri): Roberto Giachetti, Michela Di Biase, Marco Palumbo, Ilaria Piccolo, Giulio Pelonzi, Valeria Baglio, Orlando Corsetti e Giulia Tempesta (Giovanni Zannola se Giachetti rinuncia). 

FdI (5 consiglieri): Giorgia Meloni, Fabrizio Ghera, Andrea De Priamo, Maurizio Politi e Francesco Figliomeni (Lavinia Mennuni se Meloni rinuncia). 

Lista Marchini (due consiglieri): Alfio Marchini e Alessandro Onorato.

Forza Italia (un consigliere): Davide Bordoni. 

Lista civica Giachetti – Roma torna Roma (un consigliere): Svetlana Celli.

Sinistra per Roma (un consigliere): Stefano Fassina (Sandro Medici se Fassina rinuncia). 

Lista civica Meloni – con Giorgia (un consigliere): Rachele Mussolini.

 

ni: Tomasino de Roma

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Asian restaurant sa Bologna na may 15 trabahador na Pinoy, sumabog

July 7, deadline ng pagpapa-rehistro sa mga foreign students