in

Volunteers selection ng Servizio Civile Universale hanggang February 8, 2021

Binuksan ang isang public competition o bando para sa selection ng mga volunteers ng Servizio Civile Universale (SCU) para sa iba’t ibang proyekto sa Italya at sa ibang bansa. May kabuuang 2,814 ang mga proyekto para sa kabuuang bilang ng 46,891 mga boluntaryo para sa taong 2021-2022

Ang bilang ng mga volunteers at proyekto

  • 39,538 volunteers para sa mga 2,319 national projects sa bansa, 
  • 605 volunteers para sa 111 international projects sa ibang bansa. 
  • 6,748 volunteers para sa 384 regional projects na lumahok sa Garanzia Giovani tulad ng Abruzzo, Basilicata, Calabria, Campania, Lazio, Piemonte, Puglia, Sardegna at Sicilia. Ito ay nakalaan sa mga kabataang NEET (Not in Education, Employment or Training).

Ang selection ay bukas sa mga may edad mula 18 hanggang 28 anyos. Mga kabataang Italians, Europeans at mga dayuhan na may regular na permit to stay ay maaaring mag-aplay para sa nabanggit na 2,814 projects sa loob at labas ng bansa.

Ang mga proyekto ay magtatagal mula 8 hanggang 12 buwan, hanggang 25 hrs weekly. Tatanggap ng € 439,50 kada butaan ang mga papalaring volunteers na makakabilang sa mga proyekto sa Italya.

Paan mag-aaplay?

Una sa lahat ay alamin ang nais na proyekto. Ang listahan ng mga proyekto ng SCU sa Italya at labas ng bansa ay matatagpuan sa link na ito. https://www.serviziocivile.gov.it/menusx/bandi/selezione-volontari/bandoord_2020.aspx

Ipinapaalala na ang aplikasyon ng mga aspiring volunteers ay esklusibong ipapadala sa pamamagitan ng DOL (Domanda on Line) platform hanggang 2pm ng February 8, 2021. Ito ay sa pamamagitan ng link na ito. https://domandaonline.serviziocivile.it/, gamit ang SPID.

Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa website ng SCU.

Basahin din:

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gabay sa Ricongiungimento Familiare Ako Ay Pilipino

Gabay sa Ricongiungimento Familiare, unang bahagi

Assegno Sociale Ako Ay Pilipino

Assegno Sociale: ang mga requirements at ang paraan ng pag-aaplay