Ang hindi susunod sa batas at patuloy na magpupunta sa restaurant o cinema (at iba pang lugar) nang walang Green Pass, simula sa August 6 ay mapait ang kapalit na kaparusahan.
Ayon sa decreto na inilathala sa Official Gazette noong July 23, 2021, ang multa ay nagkakahalaga mula € 400.00 hanggang € 1,000.00, na ipapataw hindi lamang para sa mga namamahala ng mga itinakdang commercial activities, kundi pati na rin para sa mga consumers.
Para naman sa mga may-ari ng mga public establishment na hindi nasuri ang pagkakaroon ng Green pass, kung ang paglabag ay umabot ng 3 beses, ang kapalit nito ay ang pagsasara hanggang 10 araw.
Ang Green Pass ay ang certificate, maaaring printed o digital, na nagpapatunay na:
- Nakumpleto at natapos na ang mga doses ng bakuna kontra Covid19;
- Paggaling sa sakit na Covid;
- Mayroong negative result sa molecular o rapid test.
Ang Green Pass ay mandatory simula August 6, sa mga may edad higit 12, sa pagpasok sa mga sumusunod:
- Sports event,
- Fair o trade show,
- Museums,
- Amusement parks,
- Theme parks,
- Bingo houses,
- Casino,
- Theaters,
- Cinemas,
- Concert,
- Sa loob ng mga bars and restaurants,
- Indoor swimmings pools,
- Gyms,
- Group sports,
- Spa
- At iba pang aktibidad na ginagawa sa indoor
Basahin din:
- Pekeng Green Pass ibinebenta online. App Verifica C19, inilunsad ng Palazzo Chigi
- Green Pass, mandatory sa Italya simula sa August 6. Narito ang FAQs.
- Walang SPID? Narito kung paano magkaroon ng Green Pass
- Narito ang 5 paraan kung paano magkaroon ng Green Pass