in

Warning mula sa Konseho ng Europa

Isang mainit na banta mula sa Konseho ng Europa, ang kinatawan na sumusubaybay sa karapatang pantao.

altSa isang ulat kamakailan na pinirmahan ni commissioner Thomas Hammarberg ay tumutukoy kung paano ituring ng mga awtoridad ang mga gypsies  o (comunità Rom)  lalo na sa panahon ng pagtatanggal ng mga squatters nito sa Roma at Milan.

Ang ulat ay nagsasaad din ng mga kritiko kung paano tinatanggihan at pabalikin sa sariling mga bansa ang mga nai-intercept na darating na iligal na dayuhan. Kabilang sa mga pinapabalik na ito ay maaaring mayroong may karapatan bilang refugee dahil sa digmaan at pag-uusig sa kanilang bansa. Sa ganitong paraan, ay hindi na maaaring hilingin pa ang proteksyon at sa kanilang pagbabalik ay maaaring manganib ang kanilang mga buhay.

Bilang pagwawakas  ay tinalakay din ang mga pulitiko, akusado sa madalas  na paggawa ng mga propagandang maaaring maghasik ng galit sa hindi kalahi. Si Hammarberg ay hinihinging suriin ng mga partido ang  pag-uugaling ito at ipatupad ng ganap ang batas upang parusahan ang mga politikong naghahasik ng galit sa ibang lahi.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Newly graduates na dayuhan, hindi iisyuhan ng permit to stay para maghanap ng trabaho!

Kontribusyon sa Inps, malapit na ang deadline