in

Weekend, snowfalls ulit maging sa Lazio

“Maaring pinaka kritikal at pinaka mahirap na bahagi ng pag-ulan ng yelo sa bansa”

altRome, 8 Pebrero 2012 – Ang weather forecast ng meteorologist at climatologist na si Mario Giuliacci ay walang  pagdududa: “Sa pagitan ng Biyernes ng gabi at Sabado sa Roma ay magkakaroon muli ng ikalawang malakas na pag-ulan ng yelo. Ipinapaalala ang mga paghahanda sa nalalapit na weekend.

Kung kaya’t inaasahan ang isa pang weekend na napakalamig at nagyeyelo at ayon kay Giuliacci ay maaaring “ang pinaka-kritikal at mahirap na bahagi ng pag-ulan ng yelo sa bansa”.

Ang unang pagdating ng malamig na hangin mula Siberia ay inaasahan sa hatinggabi sa pagitan ng Huwebes at Biyernes. Magdudulot bukod sa higit na pagbaba ng temperature at ulan sa South at mga Isla, ay ang pagbagsak muli ng snowfalls.

Ang mga lugar na apektado ay ang Trentino Alto Adige, Veneto, ibaba ng Lombardy, Piedmont, Liguria, Emilia Romagna, Tuscany, Umbria, Marche, Abruzzo, Molise at sa bandang gabi ay maging sa Lazio din.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Biktima ng lindol sa Visayas, patuloy ang pagdami

Kabataang dayuhang manggagawa, mas nagta-trabaho ngunit mas mababa ang sahod