Roma, Hulyo 5, 2012 – Ang mga unyon ng Filt Cgil, Fit Cisl, Uil Trasporti e Ugl trasporti ay naghayag ng 24 na oras na welga bukas sa rehiyon ng Lazio. Sa parehong araw, ikalawang protesta ng 8 oras naman ang inihayag ng unyong Fast Confsal.
Nanganganib huminto para sa publiko ang mga urban public transportation tulad ng mga bus, tram at mga metro, ang mga rural buses maging ang mga train na may rutang Roma-Lido, Termini-Giardinetti at Roma-Civitacastellana-Viterbo.
Sa kabila nito, nananatiling garantisado ang tinatawag na fasce orarie protette. Samakatwid sisimulan ng 8:30am hanggang 5:00pm at muling sisimulan ng 8:00pm hanggang hatinggabi.
Ang ikalawang welga ng 8 oras na inihayag ng Fast Confsal ay tumutukoy sa local public transportation sa Roma at Lazio simula 8:30am hanggang 4:30pm (angCotral SpA atCotral Patrimonio ay magwewelga simula 12:30am hanggang 4:30pm).
Ang nasabing welga ay maghihinto rin sa operasyon ng mga ahensya sa Roma para sa transportasyon tulad ng sportello al pubblico sa piazzale degli Archivi 40, box information sa Termini at Fiumicino, check-point bus turistici sa Aurelia, Laurentina at Ponte Mammolo, contact center infomobilita' (0657003) at toll free number for disabled person 800154451.