Ang pagtatapos ng panahon ng pandemya ng Covid, makalipas ang dalawang taon at kalahati at milyun-milyong mga biktima, ay nalalapit na. Ito ay ayon kay World Health Organization director Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Aniya noong nakaraang linggo, ang bilang ng mga namatay dahil sa Covid kada linggo ay bumaba na sa minimal mula noong Marso 2020. Dagdag pa niya, tayo ay hindi kahit kailan nalagay sa mahusay na posisyon upang masabing halos nasa dulo na tayo ng pandemya.
Gayunpaman, wala pa man tayo sa wakas ngunit nalalapit na ang araw na ito. Tulad ng isang marathon runner na hindi dapat tumitigil kapag nakita na ang finish line. Sa halip, siya ay tumatakbo nang mas mabilis, at nang buong lakas na natitira sa kanya. Kailangan nating tularan ito. Nakikita na natin ang finish line. We are in a winning position. But now is the worst time to stop.”
Ngayon ang oras para tumakbo nang mas mabilis at siguraduhing malalampasan natin ang finish line at ating aanihin ang mga gantimpala ng lahat ng ating pagsusumikap – dagdag pa ng direktor ng WHO – Kung hindi natin sasamantalahin ang pagkakataong ito ngayon, haharapin natin ang panganib ng mas maraming variants, mas maraming mamamatay, mas maraming interruption sa business at mas maraming uncertainties. Kaya’t samantalahin natin ang pagkakataong ito.“