Ang sinasabing DNA ni Winston ay maaaring kontaminado’
May bagong abogado ang akusadong Pilipinong pumatay kay kondesa Alberica Filo della Torre. Ito rin ang naging defender ni Iacono na nagreklamong may mga iba pang medical report na natuklasang magkakasama sa iisang lalagyan. “Ang pagtatapat ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos ng nasabing kaso”, ayon sa bagong tagapagtanggol ni Winston Manuel Reyes na may ibang mga diskarte at kasalukuyang tumututok sa karagdagang interrogatory at panibagong pagsusuri ng DNA. Ang mga pag-amin ng Pilipino ay maaaring bawiin at maaari ring ulitin ang mga pagsusuri ng naiwang bakas ng dugo sa bed sheet ng biktima. Dahil ang mga pagsusuring ito ang nagtulak sa paghuli kay Reyes.
Sa isang spot ng dugo na dalawang sentimetro ang laki, ang mga eksperto ng Ris ay nakilala ang kanyang genetic profile. Ngunit ang masigasig na pagtatanggol ng mga bagong abugado nito ay maaaring magpakita na ang mga medical reports dalawampung taon na ang nakalipas ay hindi naging maayos ang conservation na naging dahilan ng pagbabago o pagiging kontaminado nito.