in

WINSTON, NILABAS ANG KATOTOHANAN.

alt

Nais kong alisin ang bigat na aking pinasan at dinala sa loob ng 20 taon: ako ang pumatay kay kondesa Alberica”. Ito ang mga pangungusap ni Winston Reves Manuel kahapon habang umiiyak na inamin ang kanyan pagkakasala sa batas sa harap ng hukom.

 

Sa kabila ng mga luha at ng isang estado ng matinding emosyon, ang Pilipino ay naglakas loob na humingni ng patawad sa mga italians at pati sa asawa at mga anak ng kondesa. Para sa kanya ang mga alaala ng araw na iyon, dalawampung taon na ang nakaraan, ay tila isang bangungot, isang pag-uusig na sinamahan siya sa mga taong ito. “Kapag naririnig ko ang tungkol sa kamatayan ng kondesa sa telebisyon o nababasa ang mga artikulo sa pahayagan, ay tinatamaan ako di lamang ng matinding kalungkutan bagkus pati ng matinding paghahahangad ng pagsisisi,” dagdag pa ni Winston habang naglalarawan ng kaniyang mga pagkakasala. Ang kanyang naging relasyon sa biktima bilang employer ang nagtulak sa kanya upang pangalanan ang kanyang anak na panganay ng ‘Alberica’.

 

Sa sinumang nakasaksi ng kanyang pagtatapat sa interogasyon, ay makasisiguro na si Winston sa wakas ay tila gumaan ang pakiramdam sa matinding pagkimkim ng kanyang mga kasalanan. Hindi tulad ng nangyari sa unang bahagi ng pagkakakulong na idinaan sa pagdarasal at pagbabasa ng Biblia. 

 

Ilang araw matapos na matagpuan ang bakas ng dugo ng lalaki sa pamamagitan ng DNA test ng Ris sa telang ginamit upang sakalin ang kondesa, si Winston ay umabot sa desisyon ng pag-amin. Sa mga katanungan ng mahistrado Francesco Patrone, ang Pilipino ay pinili ang manatiling tahimik at hindi sagutin ang mga katanungan. Sa dakong huli, gayunpaman, ay piniling magsalita sa mga investigators, mga taong may kinalaman sa bawat detalye ng  kaso sa Olgiata. Ang kaso ay kaagad na isasara ng korte matapos ang mga pag-amin ni Winston. Ang mga abugado naman ni Winston ay tiyak na hihingi ng isang pinadaling proseso, na magpapahintulot sa akusado upang makatanggap ng isang mababang hatol. 

 

Ayon kay Pedro Mattei, ang asawa ng kondesa, na naghangad na buksan muli ang imbestigasyon, “Ngayon ay ang araw ng katarungan para sa akin at sa aking pamilya.”

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ALL FOOLS’ DAY

Mula April 1 hanggang 11, bayaran ng kontribusyon ng Inps