Nagsimula na ang winter sale o saldi invernali sa Italya. Bagaman maraming Rehiyon ang marahil ipagpaliban ito dahil ang bansa ay nasa zona rossa o lockdown hanggang sa January 6.
Nagsimula na ang winter sale sa Basilicata, Valle d’Aosta at Molise noong nakaraang Jan 2. Ngunit ang mga shops ay sarado pa dahil sa ipinatutupad na zona rossa ng decreto Natale. Kaya’t ang totoong simula ng winter sale ay bukas, Jan 4, sa pagsasailalim ng 1 araw sa zona arancione. At muli sa Jan 7, sa ganap na pagtatapos ng restriksyon sa panahon ng Kapaskuhan.
Dahil dito, posibleng magkaroon ng pagbabago sa itinakdang petsa ng winter sale dahil maraming Rehiyon ang nais ipagpapaliban ito.
Ayon sa kalendaryo ng Confcommercio, ang simula ng winter sale ay nakatakda sa buong buwan ng Enero.
Nagsimula na ang winter sale sa Valle d’Aosta, Molise at Basilicata noong Jan 2.
Sa Abruzzo at Calabria (Jan4), Sardegna at Campania(Jan5) marahil ay magkaroon ng pagkakabago sa petsa ng winter sale dahil sa lockdown.
Samantala, January 7 ay ang petsa ng pagtatapos ng restriksyon ng Pasko at Bagong Taon. Sa petsang nabanggit ay inaasahan din ang pagsisimula ng winter sale sa:
- Puglia,
- Sicilia,
- Piemonte,
- Friuli Venezia Giulia at
- Lombardia.
Ang Umbria ay magsimula sa January 9.
Ang Lazio naman ay sa January 12.
Naka-iskedyul sa January 16 ang Marche at ang Provincia Autonoma di Bolzano.
Sa January 29 ang Liguria.
Ang Emilia Romagna, Toscana at Veneto ay sa January 30.
Samantala, sa Provincia Autonoma di Bolzano ay kailangang maghintay hanggang sa Feb 13.