in

Wiretaps, isa sa mga katibayan laban kay Winston!

altDalawang wiretaps (intercetazione telefoniche), noong nakaraang Sept 12 & 13 1991 ang isa sa mga naging katibayan upang ang ating kababayang si Winston Manuel Reyes ay mapatunayang pumatay nga sa kondesa na si Alberica Filo della Torre. Malaki diumano ang maitutulong nito upang malutas ang krimen. Sa dalawang phone calls, ayon pa sa mga report, ang dating colf na Pilipino ay nagtatanong ng mga impormasyon upang muling maibenta ang mga alahas ng kondesa na sinabing ninakaw ng ating kababayan sa araw ng pagpaslang dito. Sa madaling salita, marahil ay sarado nà dalawampung taon na ang nakalilipas, matapos ang krimen noong nakaraang Hulyo 10, 1991.

Sa mga dokumento ng imbestigasyon, matapos ang pagsasalin sa wiretaps at translation, ang akusado ay mapapatunayan diumano sa pakikipag-usap sa isang kababayan at humihingi diumano ng impormasyon kung paano maibebenta ang mga alahas, partikular diumanong tinanong kung paano makaka-usap ni Winston ang nagbebenta ng mga nakaw na gamit para sa pagbebenta ng kuwintas at singsing ng kondesa.

Ayon sa mga imbestigador ang mga nawawalang alahas ang maaaring motibo ng krimen. Ang pag-uusap na ito ay nanatili sa mga archive ng Procura. Ayon pa sa mga ito, ay nakilala at natagpuan nila ang illegal vendor na nagbenta ng mga alahas sa halagang 80 milyon lire na isa ring Pilipino na maaaring nasa Pilipinas na sa kasalukuyan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kontribusyon sa Inps, malapit na ang deadline

Bagong buwis ng 2% sa bawat remittance, pinatutupad na!