in

Workers with tourist visa, pinipigilan ng umalis ng bansa!

TOURIST WORKERS, isang uri ng human trafficking na pinupuksa sa kasalukuyan – Bureau of Immigration (BI)

Manila – Ayon sa Bureau of Immigration (BI), mahigit sa 21,000 ang nag-aambisyong overseas Filipino workers (OFWs) ang pinigil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula buwan ng Agosto hanggang Disyembre ng nakalipas na taon at nasagip sa sindikato ng human trafficking.

Inihayag ni Immigration officer-in-charge Ronaldo Ledesma na ang 21,709 katao ang hindi inalintana ang panganib ng pang-aabuso at eksploytasyon maging ang pagkakabilanggo sa sandaling sila’y mahuli sa labas ng bansa sapagkat pawang mga tourist visa lamang ang gamit ng mga ito sa kabila na ang tunay na pakay ay magtrabaho sa sandaling makarating sa kanilang destinasyon.

Sinimulan ng BI ang kampanya laban sa mga tourist worker noong Agosto matapos maitalaga si Ledesma bilang OIC ng kawanihan at ipag-utos nina Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at Justice Secretary Leila de Lima ang pagbibigay ng proteksyon sa mga undocumented OFWs na karamiha’y biktima ng illegal recruitment at human trafficking syndicates.

‘Karamihan sa mga napigil na pasahero ay patungong Singapore, Malaysia, Hong Kong at Middle East’, dagdag pa ni Atty. Maria Antonette Bucasas, BI airport operations division chief.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Application form on line, handa na!

CONVENTION SA ROMA UKOL SA CIRCULAR 29, DI MATUTULOY