in

Yahel Angelo, ang unang sanggol sa Sassuolo ng 2019

Tulad sa mga nagdaang taon, kabilang muli ang mga ipinapanganak na Pilipino sa kasaysayan ng tila kumpetisyon ng mga ‘unang ipinanganak na sanggol’ sa bansa.

Sa katunayan, ang primo nato sa Sassuolo, isang probinsya ng Modena sa Emilia Romagna sa taong 2019 ay si Yahel Angelo,  anak nina Rhoselle at Ariel na pawang mga Pilipino na residente sa Sassuolo. Si Yahel Angelo ay ipinanganak ng alas 3:38 ng umaga at may bigat na higit sa 3 kilo..

Samantala, ipinanganak naman sa San Carlo hospital sa Potenza ng 00:01 ang unang ipinanganak na sanggol sa Italya na si Michele Lario na may timbang na 4 na kilo na anak nina Laura at Antonio. Si Michele Lario ay Italyano.

Kaugnay ng mga sanggol sa buong mundo ayon sa Unicef, halos 395,072 mga sanggol na isisilang ngayong taon. Sa bilang na ito, ika-apat na bahagi ang isisilang sa Timog Asya. Habang sa Italya tinatayang 1,335 sanggol ang ipapanganak.

Higit sa kalahati ng bilang ng mga isisilang na sanggol ay manggagaling sa walong bansa: India 69,944; China 44,940; Nigeria 25,685; Pakistan 15,112; Indonesia 13,256; USA 11,086; Congo 10,053; Bangladesh 8,428.

Sa pagsapit ng hatinggabi ng Bagong taon, na unang naganap sa Sydney ay ipinanganak ang halos 168 na sanggol dito, sa Tokyo ay 310 sanggol naman ang ipinanganak, sa Pechino ay 610, sa Madrid 166, sa Rome ay 89, at sa  New York ay 317.

Sa buong mundo, ang mga pangunahing pangalan ng sanggol ay pangalang Alexandre at Ayeshas, ​​Zixuans at Zainabs. Samantala sa Italya pinaka gamiting pangalan ng taon ay Sofia, Aurora, Leonardo, Alessandro at Lorenzo.  

Ngunit – binigyang-diin ng Unicef ​​– na sa maraming bansa, maraming mga sanggol din ang hindi mabibigyan ng pangalan dahil hindi sila aabot sa unang araw ng kanilang buhay. Sa katunayan, noong 2017, humigit-kumulang 1 milyong bata ang namatay na araw ng kanilang kapanganakan, at 2.5 milyon naman ang namatay sa unang buwan ng kanilang buhay. Kabilang sa mga sanggol na ito ay namatay sanhi ng premature, komplikasyon sa panahon ng panganganak at mga impeksiyon tulad ng sepsis at pneumonia.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mensahe ni Mattarella sa pagtatapos ng 2018

Access sa website ng Ministry of Interior gamit ang SPID ID, narito kung paano