in

Zona arancione at zona gialla. Narito ang pagbabago sa mga Rehiyon

Duomo di Milano Ako Ay Pilipino

Calabria, Lombardia at Piemonte magiging zona Arancione mula zona rossa. Liguria at Sicilia, magiging zona Gialla mula zona arancione. Ito ang mga pinakahuling pagbabago sa mga Rehiyon.

Inaasahang pipirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang isang bagong ordinansa ukol sa pagbabago ng kulay ng mga nabanggit na Rehiyon at ito ay magsisimula sa Nov. 29. 

Samantala, nag-umpisa na ang countdown sa nalalapit na paglabs ng bagong DPCM ng Dec. 4.

Inaasahan ko ang pagbaba ng rt sa 1 at lahat ng rehiyon sa zona Rossa ay bababa na sa zona Arancione”, ayon sa Punong Ministro Giuseppe Conte. 

Kaugnay nito, tumaas muli ang rate ng positivity at tested cases sa 12.5%. 

Samakatwid, narito ang mga Rehiyon batay sa huling mga pagbabago

  • Zona Gialla: Lazio, Molise, Provincia Autonoma di Trento, Sardegna, Veneto, Liguria, Sicilia
  • Zona Arancione: Basilicata, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Marche, Puglia, Umbria, Calabria, Lombardia, Piemonte
  • Zona Rossa: Abruzzo, Campania, Toscana, Valle d’Aosta, Provincia Autonomo di Bolzano.

(PGA – larawan ni Chet de Castro Valencia)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

colf malattia Ako ay Pilipino

Colf, nagkaroon ng Covid19, maaari bang mag-aplay ng sick leave?

covid19 Ako Ay Pilipino

Sitwasyon ng Covid19 sa Italya, bumubuti