Ilang bagong ordinansa ang pinirmahan ng Presidente ng Regione Lombardia Attilio Fontana ukol sa mga restriksyon sa iba’t ibang Comune at Provincie sa Lombardia simula Miyerkules, March 3.
Sasailalim sa zona ranacione rafforzata ang buong Provincia di Como, ilang Comune ng Provincia di Mantova at ang provincia di Cremona, Pavia, 10 Comune ng Milano.
Ito ay matapos magtala ang Lombarida sa huling 24 oras ng 2,135 mga bagong kaso ng covid19, matapos ang Emilia Romagna na nagtala ng 2,597 mga bagong kaso.
Narito ang kasalukuyang sitwasyon sa Lombardia
- Ang mga Comune di Motta Visconti, Besate, Binasco, Truccazzano, Melzo, Liscate, Pozzuolo Martesana, Vignate, Rodano, Casarile ay sasailalim sa zona arancione rafforzata
- Lahat ng Comune ng provincia di Como ay sasailalim din sa zona arancione rafforzata;
- Sa Mantovano ay sasailalim sa zona arancione rafforzata ang Comune di Viadana, Pomponesco, Gazzuolo, Commessaggio, Dosolo, Suzzara, Gonzaga, Pegognaga, Moglia, Quistello, San Giacomo delle Segnate, San Benedetto Po, Asola, Castelgoffredo, Casaloldo, Medole, Casalmoro, Castiglione delle Stiviere.
- Sa provincia di Cremona, ang capoluogo, Spinadesco, Castelverde, Pozzaglio ed Uniti, Corte dei Frati, Corte dè Cortesi con Cignone, Spineda, Bordolano e Olmeneta.
- Sasailalim sa zona arancione rafforzata ang Casorate Primo, Trovo, Trivolzio, Rognano, Giussago, Zeccone, Siziano, Battuda, Bereguardo, Borgarello, Zerbolò, Vidigulfo sa provincia ng Pavia.
- Ang Comune di Mede (Pv), Bollate (Mi) e Viggiù (Va), simula March 4 ay sasailalim sa zona arancione rafforzata, mula zona rossa;
- Papalawagin ng karagdagang isang linggo ang mga restriksyon sa mga Comune ng Provincia di Brescia. Pati an rin sa mga Comune di Sarnico, Gandosso, Viadanica, Predore, Adrara San Martino, Villongo, Castelli di Calepio, Credaro at Comune di Soncino sa provincia di Cremona.
- Papalawagin ng karagdagang isang linggo ang mga restriksyon sa mga Comuni bergamaschidi Sarnico, Gandosso, Viadanica, Predore, Adrara San Martino, Villongo, Castelli di Calepio, Credaro.
Basahin din:
- Arancione scuro, bagong kulay sa klasipikasyon ng sitwasyon ng Covid19 sa Italya
- Kulay ng mga Rehiyon ng Italya, simula March 1