in

Zona Gialla, January 7 & 8

zona gialla january 7 & 8 Ako Ay Pilipino

Sa January 7 & 8 ay sasailalim ang bansa sa restriksyon ng Zona Gialla.

Narito ang mga may pahintulot at mga ipinagbabawal sa zona Gialla.  

Anong oras ipinagbabawal ang paglabas ng bahay? 

Simula 10pm hanggang 5am ay ipinagbabawal lumabas ng bahay ng walang balidong dahilan. May pahintulot lamang lumabas ang para sa trabaho, kalusugan at pangangailangan. 

  • Kakailanganin ba ang autocertificazione? 

Oo, sa tuwing lalabas ng bahay o babalik ng bahay mula sa trabaho mula 10pm hanggang 5am ay kailangan ang magdala ng autocertificazione. Tandaan, may pahintulot lamang ng paglabas ng bahay kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at pangangailangan

Basahin din: 

  • Maaari bang ilabas sa gabi ang aking pet?

Oo, sa araw ngunit ipinagbabawal mula 10pm hanggang 5am, sa oras ng curfew.

  • Maaari ba akong magpunta sa Toscana region mula sa Lazio region? 

Simula January 7 hanggang January 15, ay ipinagbabawal sa buong bansa ang paglabas at pagpunta sa ibang Rehiyon. Maliban na lamang kung para sa trabaho, kalusugan at pangangailangan. 

May pahintulot ang pagbalik sa sariling bahay – kung saan residente(residenza) o kung saan tumutuloy (abitazione o domicilio). Ngunit ipinagbabawal ang pagpunta sa ikalawang bahay na nasa ibang Rehiyon. 

  • Ang mga paaralan ba sa zona gialla ay sarado? 

Ipinagpaliban ng ilang araw ang pagbabalik eskwela ng Scuola Superiore sa bansa. Ang muling pagpasok sa eskwela ay unang nakatakda sa January 7, ngunit ginawang January 11. Samantala, walang anumang pagbabago sa pagbabalik eskwela elementary at high school o media

Basahin din:

  • Ang mga bar at restaurants ba ay sarado din sa zona gialla?

Ang mga bars at restaurants ay bukas hanggang 6pm. Magsasara sa publiko at hindi na maaaring tumanggap ng mga kliyente for dine-in simula 6pm. Ngunit hanggang 10pm ay maaaring tumanggap ng kliyente for take out at home deliveries.

  • Maaari bang magpunta sa cinema o sa gym?

Ang mga sineha at gym ay sarado tulad ng nasasaad sa nakaraang DCPM. Kahit ang mga theaters ay sarado din. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

pagbabalik eskwela scuola superiore Ako Ay Pilipino

Pagbabalik eskwela ng Scuola Superiore, ipinagpaliban ng ilang araw

Italya bilang ng nabakunahan laban Covid19 Ako Ay Pilipino

Italya, nangunguan sa Europa sa bilang ng mga nabakunahan laban Covid19