in

Zona Rossa: 10 Rehiyon at 1 Autonomous Province, simula March 15

ako-ay-pilipino
Zona Rossa: 10 Rehiyon at 1 Autonomous Province, simula March 15

Batay sa bagong dereto na simulang ipatutupad sa lunes, March 15, narito ang mga pagbabago sa kulay ng mga rehiyon sa Italya.

Gayunpaman, ang Sardegna ay mananatili sa zona bianca. 

Mga rehiyon sa ilalim ng zona rossa

  • Romagna
  • Friuli Venezia Giulia
  • Lazio
  • Lombardia
  • Piemonte
  • Veneto
  • Puglia
  • Marche
  • PA di Trento
  • Campania
  • Molise

Mga regulasyon na dapat sundin sa zona rosse

  • Sarado ang mga paaralan at suspendido ang klase sa lahat ng antas. DAD o didattica a distanza o video class para sa lahat ng antas;
  • Pagbabawal lumabas ng bahay maliban sa dahilan ng trabaho, kalusugan at pangangailangan;
  • Bukas lamang ang mga commercial activities na itinuturing na mahahalaga tulad ng mga supermarket, pharmacies at iba pa;
  • Bar ay bukas lamang for take out hanggang 6pm. Restaurants ay bukas lamang for take out hanggang 10pm. Bar at restaurants ay bukas for home deliveries nang walang restriksyon; 
  • Sarado ang mga hairdressers at beauty centers;
  • Sarado ang mga gym, pools at sports centers;
  • May pahintulot ang physical activities sa kundisyong malapit sa bahay;
  • Sarado ang mga museums, theaters at cinema;
  • Curfew simula 10pm hanggang 5am;

Mga rehiyon sa ilalim ng zona arancione 

  • Abruzzo
  • Calabria
  • Liguria
  • Tuscany
  • Umbria
  • Valle d’Aosta
  • PA di Bolzano
  • Sicilia
  • Basilicata

Mga regulasyon na dapat sundin sa zona arancione

  • DAD o didattica a distanza simula Seconda Media;
  • Bawal lumabas ng Comune maliban sa dahilan ng trabaho, kalusugan at pangangailangan;
  • Bar ay bukas lamang for take out hanggang 6pm. Restaurants ay bukas lamang for take out hanggang 10pm. Bar at restaurants ay bukas for home deliveries nang walang restriksyon; 
  • Bukas ang mga hairdressers at beauty centers;
  • Bukas ang mga commercial activities;
  • Sarado ang mga malls sa tuwing weekends;
  • Maaaring magpunta sa second house sa kundisyong hindi matatagpuan sa zona rossa;
  • Sarado ang mga gyms, pools at sports centers;
  • Sarado ang mga museums, cinema at theaters; 
  • Curfew simula 10pm hanggang 5am. 

Ang ordinansa na pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ngayong araw ang nagbibigay kumpirmasyon sa pagbabago sa mga kulay ng mga rehiyon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

220 gramo ng shabu, kumpiskado! Pinoy, arestado!

Autocertificazione, narito kung paano sasagutan