in

Zona Rossa: Lombardia, Sicilia at Provincia Autonoma di Bolzano, hanggang Jan. 31

Zona Rossa Lombardia Sicilia Provincia Autonoma di Bolzano Ako Ay Pilipino

Simula ngayong araw, Jan 17 hanggang Jan 31 ay mayroong bagong klasipikasyon ang mga rehiyon ng bansa. Narito ang mga dapat tandaan sa zona rossa. 

Ayon sa DPCM ng Jan 14, ang lahat ng mga rehiyon ay dapat sumunod sa mga sumusunod na preventives measures, anuman ang klasipikasyon nito.

  1. Ipinagbabawal ang paglabas at pagpunta sa ibang rehiyon. 
  2. Ang curfew mula 10pm hanggang 5am,
  3. Tanging ang dahilan ng trabaho, kalusugan at pangangailangan lamang ang pinahihintulutang dahilan ng paglabas ng Rehiyon at sa oras ng curfew. Palaging pinahihintulutan ang pagbalik sa sariling tahanan kung saan opisyal na residente at kung saan naninirahan o domiciliato. Ang mga nabanggit ay patutunayan sa pamamagitan ng Autocertificazione.
  4. May pahintulot isang beses sa maghapon ang pagbisita sa miyembro ng pamliya o kamag-anak mula 5am hanggang 10pm hanggang dalawang katao lamang na non-conviventi. Ang mas bata sa 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang.
  5. Mahigpit ang rekomendasyon na manatili sa sari-sariling bahay sa malaking bahagi ng maghapon at iwasan ang paggamit ng public at private transportation, maliban na lamang kung kinakailangan. 
  6. Sa DPCM ng Jan 14 ay pinahihintulutan ang pagpunta sa ikalawang bahay kahit nasa ibang rehiyon.

Narito ang mga dapat tandaan sa zona rossa

Ang zona rossa ay naglalarawan ng pinaka mataas na lebel ng panganib sa Covid19. 

  • May pahintulot ang paglabas ng bahay sa sariling Comune lamang kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at mga pangangailangan;
  • Ang pagbalik sa sariling bahay ay may pahintulot ;
  • May pahintulot ang magpunta sa simbahan o anumang lugar ng pagsamba;
  • Ang pagbisita o pagtanggap ng bisita ay pinahihintulutan. Sa kundisyon ng isang beses sa maghapon at hanggang 2 katao lamang. Ang mga bata hanggang 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang. Ito ay may pahintulot kahit sa ibang Comune basta’t sa parehong Rehiyon lamang;
  • May pahintulot ang pagpunta ng ibang Comune kung ang populasyon ay hindi lalampas ng 5,000 residente at ang distansya ay hindi lalampas ng 30km at hindi pupunta sa capoluogho ng provincia.

Bukod sa mga nabanggit ay:

  • Mananatiling bukas ang mga Supermarket, pharmacies, newspaper stands, tobacco shops, laundry, hairdressers at barber shops;
  • Sports activity sa outdoor ngunit indibidwal;
  • Physical activities na malapit sa bahay;
  • Ang mga bar at restaurants ay bukas for take out lamang hanggang 6pm. Ang take out ay ipinagbabawal na rin makalipas ang 6pm sa mga bar sa bagong DPCM. 
  • Ang deliveries ay pinahihintulutan;
  • Huwag kalimutan ang magdala ng Autocertificazione at kopya ng balidong dokumento o pagkakakilanlan.

Anong mga commercial acitivities ang sarado sa zona rossa?

Sarado ang mga commercial activities na itinuturing na hindi pangangailangan ang ibinebenta. Tulad ng calzature o mga sapatos, abbigliamento o mga damit ng mga adults at gioielli o mga alahas. 

Narito ang mga bukas na commercial activities sa zona rossa

  1. Mananatiling bukas ang mga Ipermercati, supermercati, discount di alimentari, minimarket, palengke at ibang negosyo ng mga pagkain. Bukas din ang nagbebenta ng frozen o prodotti surgelati at nagtitingi ng mga drinks;
  2. Bukas ang mga farmacie at parafarmacie, bilihan ng articoli medicinali at ortopedici at bilihan ng mga sanitation products;
  3. May pahintulot din magbukas ang mga tabacchi;
  4. Bukas ang mga negosyo ng computer, gamit sa telecommunication, electronic device, mga appliances at accessories ng mga telepono;
  5. Ang mga gasolinahan ay magpapatuloy sa kanilang serbisyo;
  6. Ang mga ferramenta at bilihan ng mga materiali da costruire;
  7. Bukas din ang nagbebenta ng mga gamit at accessories sa garden, mgahalaman, fertilizer. 
  8. Bukas din pati ang bilihan ng mga lights at security system;
  9. Nagbebenta ng mga libro, giornali, riviste, cartoleria at buffetti;
  10. Nagtitinda ng mga damit, sapatos at gamit ng mga sanggol at bata;
  11. Bilihan ng mga bisikleta, sports article at mga gamit para sa tempo libero;
  12. Patuloy ang pagbubukas ng mga bilihan ng sasakyan o autoveicoli; motocicli at accessories ng mga nabanggit. Pati ang bilihan ng mgalaruan ng mga bata;
  13. Bilihan ng cosmetics, perfumes at herbal medicine o erboristeria. 
  14. Bukas ang bilihan ng pet foods.
  15. May pahintulot ang mga optical shops na bilihan ng reading glasses at sun glasses at accessories sa photography;
  16. Bilihan ng mga cleaning detergents;
  17. Bukas ang mga laundries o lavanderie at tintorie (dry washing);
  18. Ang mga Agenzie funebre o funeral agencies ay mananatiling bukas;
  19. Bukas ang mga barbieri at parrucchiere o salon. (PGA)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy pagnanakaw arestado Ako Ay Pilipino

45-anyos na Pinoy na suspek sa pagnanakaw, arestado sa Roma

Pinay nurse nabakunahan na laban Covid19 Ako Ay Pilipino

Pinay nurse sa Florence, nabakunahan na laban Covid19