in

Zona rossa, narito ang regulasyon sa Easter

Zona rossa, narito ang regulasyon sa Easter

Ang nalalapit na Easter ay ipagdiriwang sa Italya katulad noong nakaraang Pasko, sa ilalim ng zona rossa o masasabing soft lockdown. Ngunit ang decreto Natale noong nakaraang Pasko ay higit na mas mahigpit ang mga restriksyon kumpara sa kasalukuyang dekreto.

Batay sa decreto legge na simulang ipinatupad noong March 6, sa mga araw ng April 3 (Holy Saturday) , 4 (Easter Sunday) and 5 (Easter Monday), ang buong Italya ay nasa ilalim ng restriksyon ng zona rossa.

Samakatwid, nananatili ang curfew mula 10pm hanggang 5 am. Ang mga bars at restaurants ay bukas lamang for takeout at home deliveries. Sarado ang mga malls o centri commerciali at tanging ang mga pangunahing commercial activities lamang ang bukas. Patuloy din na ipinagbabawal ang mga private parties. At lalong higit, ang pagbabawal sa mga hindi mahahalagang dahilan ng paglabas ng bahay

Mga regulasyon sa Easter na dapat sundin

Bagaman mahigpit na ipinagbibilin na huwag mag-imbita ng mga bisita sa bahay ay pinahihintulutan sa 3 araw na nabanggit ang pagbisita sa bahay ng kamag-anak o kaibigan sa mga sumusunod na kundisyon:

  • isang beses lamang sa maghapon, 
  • sa loob lamang ng sariling rehiyon,
  • maximum na dalawa katao lamang at 
  • ang mga mas bata sa 14 anyos at children with disabilities ay pinahihintulutan,
  • sa pagitan ng 5am hanggang 10pm

May pahintulot din ang pagpunta sa mga parke at villa para mamamasyal o para sa individual exercises o physical activities tulad ng jogging sa kundisyong ito ay malapit sa sariling tahanan at patuloy na susundin ang mga protocol tulad ng pagsusuot ng mask at social distancing. 

Samantala, ang mga nais namang mag-bike ay mas malaya upang gawin ito. Sa katunayan ya may pahintulot magpunta ng ibang Comune, sa kundisyong ito ay para sa layunin lamang ng sports at ang destinasyon ay ang parehong lugar ng simula nito. 

Magpapatuloy din ang mga religious activities. May pahintulot ang pagpunta sa pinakamalapit na simbahan o lugar ng pagsamba. May pahintulot ang partesipasyon ng mga mamamayan sa kundisyong susunod sa mga ipinatutupad na protokol. 

May pahintulot din ang pagpunta sa second house. Gayunpaman, tanging ang pamilya lamang ang may pahintulot at ang second house ay dapat na walang ibang nakatira. Kailangang patunayan kung ang bahay ay sariling pag-aari at kung ito ay uupahan na kailangang patunayan bago ang petsang Januaru 14, 2021. 

Basahin din:

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Draghi at Speranza sa isang pagpupulong para sa bagong dekreto anti-Covid19

Italian citizenship ng mga ipinanganak sa Italya, narito kung paano