in

Zone rossa, arancione at gialla, magbabalik sa Jan 7

3 color zones Ako Ay Pilipino

Magbabalik sa Jan 7 ang 3 color-coded system sa Italya, ang zone rossa, arancione at gialla.

Kamakailan, ayon sa ulat, ay sinabi ni Health Minister Roberto Speranza ang pagbabalik ng Italya sa 3 kulay.

Ito ay nangangahulugan na 10 araw mula ngayon, ay haharapin muli ng mga Rehiyon ang pagsasailalim sa 3 kulay. Samakatwid, ang pansamanatalang nahintong restriksyon noong December 23 dahil sa pagpapatupad ng Decreto Natale ay ibabalik.

Matatandaang bago ang panahon ng Kapaskuhan, ang mga rehiyon ay unti-unting naging zona gialla lahat. Ito ay hanggang hinihintay ang bagong updates mula sa ISS. 

Sa katunayan, ay iniulat ng Istituto Superiore di Sanità o ISS ang pinakahuling ulat nito para sa panahong Dec 14–20.

Dito ay nasasaad na siyam na rehiyon ang itinuturing na nasa moderate o high risk

Partikular, 5 sa mga ito (Liguria, Marche, Puglia, Umbria at Veneto) ay nasa high risk

12 naman ang nasa moderate risk ngunit apat nito ay mataas ang posibilidad na maging high risk. Ang mga rehiyon ay Emilia-Romagna, Molise, Autonomous Provincia Autonoma di Trento at Valle d’Aosta. Sakaling hindi magbago ang kasalukuyang transmissibility hanggang sa susunod na buwan. 

Ang Veneto at Puglia ay nanganganib na mula sa zona gialla ay maging zona arancione. Ito ay kung sakaling sa pagmomonitor ng ISS, ay manatili ang sitwasyon pati ang bigat na hatid nito ng health system. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

isinagawang kontrol zona rossa Ako Ay Pilipino

Isinagawang kontrol sa mga araw ng zona rossa, halos 330,000

pagre-report ng assembramento o social gathering Ako Ay Pilipino

Paano magre-report sa awtoridad ng social gathering o ‘assembramento’