in

Kailan magbabalik ang ora solare?

Muling magpapaalam ang ora legale at ikinatutuwa ng mga mahilig at masarap matulog ang pagbabalik ng ora solare dahil ang orasan ay i-aatras ng isang oras at samakatwid, karagdagang isang oras ng tulog! 

Para sa mga high technology na smart phones at computer, ang pagpapalit oras ay awtomatikong magaganap. Samantala, manual naman ang pagpapalit sa mga orasan tulad ng wall clock at alarm clock. 

Ang pagpapalit ng oras mula ora legale sa ora solare ay nagaganap tuwing huling linggo ng Oktubre, at sa taong ito ang huling linggo ng buwan ay sa October. 31, 2021, kasabay ng Halloween, kung saan pati ang mga orasan ay may hatid na ‘scherzetto‘ sa pagpapalit ng oras. 

Sa pagsapit ng alas 3 ng madaling araw ng Oct 31 ay ibabalik sa alas 2 ng madaling araw ang oras. 

Samantala, nakatakdang magbalik ang ora legale sa March 27, 2022, kung kailan ang mga orasan ay i-aabanti naman ng isang oras. 

Ang pangunahing dahilan kung bakit nagbabago taun-taon ang oras ay upang makatipid sa kuryente. Tuwing Spring at Summer ay mas may liwanag ng araw at pinapalitan ang oras ng sunset. Sa pagbabagong ito ng oras ay natitipid ang halos 10 bilyong kWh bawat taon.

May tatlong taon na rin na pinagtatalunan sa Europa ang pagtatanggal sa ora legale dahil hindi sang-ayon ang mga Mediterranean countries at Northern Europe. Dahil sa pandemya ay napending ang isyu ng pagtatanggal. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Pagse–save at Pagi-invest, paano uumpisahan?

Paano makakapag-trabaho sa Italya?