Sa 27 Member States, 6 na bansa ang hindi pa nagpapatupad ng anumang mekanismong nagtatakda ng minimum wage: Italy, Denmark, Cyprus, Sweden, Finland at Austria. Sa iba pang 21 bansa, ang minimum wage ay mula sa € 2,257 kada buwan sa Luxembourg hanggang € 332 sa Bulgaria.
Nagkaroon na ng kasunduan ang Europa ukol sa minimum wage – “in full respect of national diversity”. Ang panukala, paliwanag ng European presidency, “ay pabor sa angkop na minimum wage sa Europa at sa pagbuo ng collective bargaining“, nang hindi nag-oobliga sa pagpapatupad nito sa anim na bansa na walang minimum wage, gaya ng Italya. Sa iba pang 21 Member States, batay sa updated database ng Eurostat hanggang Enero 2022, ang minimum wage ay mula sa € 2,257 kada buwan sa Luxembourg hanggang € 332 sa Bulgaria.
Minimum wage sa Europa
Ang bansa sa Europa na may pinakamataas na minimum wage ay ang Luxembourg, kung saan ang monthly salary ay hindi maaaring mas mababa sa halagang € 2,256.95. Sinusundan ito ng Ireland at Netherlands, na nagtakda ng monthly salary na € 1,774.50 at €1,725 .
Ang iba pang European countries na may pinakamataas na monthly minimum wage ay ang Belgium (€ 1,658.23), Germany (€ 1,621), France (€ 1,603.12), Spain (€ 1,125.83) at Slovenia (€1,074 .43).
Mas mababa naman sa €1,000.00 ang Portugal (€ 822.50), Malta (€792.26), Greece (€773.50), Lithuania (€730), Poland (€654.79), Estonia (€654.00), Czech Republic (€651.70), Slovakia (€646) at Croatia (€623.70).
Samantala, ang Hungary € 541.73), Romania (€512.26), Latvia (€ 500) at Bulgaria (€332.34)
Ang tanging bansa saEU kung saan bumaba ang minimum wage ay ang Greece (-1.4%).
Mga bansa sa Europa na walang Minimum wage
Ang mga bansa sa Europa na walang anumang batas sa minimum wage ay ang Italy, Denmark, Cyprus, Sweden, Finland at Austria.
Minimum wage sa mga non-EU countries
Samantala, kung ihahambing sa mga non-EU countries, batay pa rin sa updated database ng Eurostat hanggang Enero 2022, sa United States ang monthly minimum wage € 1,109.54; at sa Turkey ay € 328.49.
Sa loob ng Europa, ngunit labas ng European institution ay ang Albania (€248.43), Serbia (€401.36), Montenegro (€532.54). Sa United Kingdom batay sa updated data hanggang 2020 – ang minimum wage ay €1,583.31.