in

1,500 Euros para sa mga employers ng babysitters at caregivers, ang bonus mula sa Comune di Milano

Naglaan ng halos 3 million euros ang Comune di Milano para sa tinatayang 2000 pamilya na employers ng mga babysitters at caregivers. 

 

 

Hunyo 1, 2017 – Sinimulan kahapon, Mayo 31, 2017 ang pag-aaplay ng bonus na nakalaan sa 2000 pamilya na employers ng mga babysitters at caregivers. Ang pondo ng 3 million euros ay tinatawag na baf o bonus assistente familiare. Ito ay inilathala sa www.wemi.milano.it ang website para sa home services ng Comune at www.comune.milano.it, ang website ng Comune di Milano. 

Maaaring mag-aplay ng bonus ang mga pamilyang residente sa Milan na mayroong ISEE hanggang 17,000 euros. Ang bonus ay tumutukoy sa isang rimborso spesa o refund na nagkakahalaga ng 1500,00 euros

Kailangang mayroong regular na employment contract, at least 15 hrs kada linggo ang mga employed caregivers at babysitter ng mga pamilya. 

Ang mga beneficiaries ng bonus: isang senior citizen, para sa isang caregiver na may edad mula 60 anyos at hindi naka-confine sa isang tila home for tha aged na klinika; isang pamilya na may menor de edad hanggang 8 taong gulang para sa employed babysitter naman. 

Ang mga employer na aplikante ay dapat na walang natatanggap na ibang tulong pinansyal buhat sa Comune di Milano. 

Ang aplikasyon ay maaaring isumite sa Sportello CuraMi Lunes at Biyernes  mula 9:30 hanggang 11:30 ng umaga; Miyerkules mula 3:00 – 5:00 ng hapon. Gayunpaman, ipinapayo ang kumuha ng appointment sa numero 02 40297643/7644

Para sa pagsusumite ng application, ayon sa regulasyon, ay kinakailangan ang balidong ISEE at regular na employment contract na hindi bababa sa 15 oras kada linggo at pinirhana mula Enero 2017. At bilang patunay ng regular na hiring, lakip ang pinagbayarang MAV o contributi Inps.  

Ang Sportello Curami ang tatanggap ng mga aplikasyon at magbibigay ng mga positibo o kwalipikadong aplikasyon na makakatanggap ng 1500 euros sa Comune di Milano. 

Para sa taong 2017 ay matatanggap ang bonus sa buwan ng Setyembre o Disyembre. Samantala para sa taong 2018 naman ay matatanggap ang bonus sa buwan ng Hunyo o Disyembre. 

Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa mga websites na nabanggit sa itaas. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong voucher ng Inps sa domestic job, narito ang nilalaman

Ika-5 taon ng Santacruzan ng Sentro Katoliko Filipino, ipinagdiwang sa Empoli