in

1 taong permit to stay sa mga nawalan ng trabaho

Inaprubahan sa Senado na may negatibong boto mula sa mga kinatawan ng Lega Nord.

altRoma, Mayo 23, 2012 – Ang Labor Committee sa Senado ay inaprubahan ng walang susog ang Artikulo 58 ng bill sa reporma sa labor market na hinahabaan mula sa 6 na buwan hanggang sa isang taon ang validity ng mga permit to stay ng mga imigrante na nawalan ng trabaho.

Ang reporma gayunpaman ay naaprubahan ng mayroong botong negatibo buhat sa mga kinatawan ng Lega Nord. Ang mga bagong tuntunin ay sumasaklaw rin sa pananatili sa Italya sa pagkakaroon ng sapat na kita ng mga miyembro ng pamilya at naglalayong maiwasan ang pagdami ng disappoval ng family reunification sa pagkawala ng trabaho.

Makalipas ang mainit na debate ng PDL at pagkatapos ng pananalita ng proponent ng bill ng Center-right na si Maurizio Castro ay iniwan ang kalayaan sa pagboto, at ang PDL ay bumoto ng pabor sa nasabing bill.

”Ang aprubasyon ng Artikulo 58 ay isang magandang balita, kahit pa naniniwala kami na ang isang taon ay maigsi pa rin para sa mga naghahanap ng trabaho. Hindi natin pwedeng isipin na ang average period para sa mga imigrante upang humanap ng trabaho sa panahon ng malubhang krisis ay limitado sa 12 buwan”.

Ito ay nasasaad sa isang note ng confederal head ng UGL, Marina Porro, “ang mga imigrante, tulad ng lahat ng mga socially vulnerable group, ay silang nagdudusa ng pinakamabigat na epekto ng kritikong sitwasyon na pinagdadaanan natin, lalo na sa trabaho. Idadagdag pa dito ang mataas na bayarin sa renewal ng mga permit to stay na karagdagang pasanin ng mga mga kategoryang ramdam na ang pangangailangang pinansyal”. “At samakatuwid kinakailangan, – pagtatapos pa nito – gawin ang lahat ng paraan upang makapasok sa labor market ang mga taong kumakatawang yaman ng bansa, at hindi karapat dapat na mabagsak sa illegalities o sa black market o maging biktima ng pananamantala at hindi makatarungan pagpapayaman ng mga nag-aalok ng trabaho sa hindi makataong kondisyon”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Diplomat, nilooban sa Paris

Pambabastos sa Impeachment Court