in

100,000 bilang ng aplikasyon sa bonus Mamma domani

Hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 100,000 ang mga aplikasyon ng bonus Mamma domani mula noong May 4, 2017.

 

Roma, Mayo 19, 2017 – Ayon sa Inps, umabot na sa 100,000 ang mga aplikasyon ng bonus Mamma domani mula noong May 4, 2017, nang simulang i-activated ang online service ng Inps. 

Malaking bahagi ng mga aplikasyon ay nagmula sa mga new Moms, 71.66%, samantalang ang mga nasa ika-pitong buwan naman ng pagbubuntis ay umabot sa 28.06%, at ang natitirang bahagi ay nakalaan naman sa adoption o legal custody ng mga bata. 

Ang halagang 800 euros ay ibinibigay ng buo at isang beses lamang matapos mapatunayan ang pagiging kwalipikado sa benepisyo.

Samantala, sinimulan na rin ng nabanggit na tanggapan ang pagbibigay ng benepisyo noong May 16 sa Cesena. 

Ang aplikasyon ay maaaring ipadala online sa pamamagitan ng dedikadong seksyon sa website ng INPS.

Maaari ring gawin ang aplikasyon sa pamamagitan ng:

  • Pakikapag-ugnayan sa call center sa numero 803 164 (libreng mula sa landline) o 06 164164 sa mga mobile phones;
  • Patronati at mga authorized offices. 

 

Nais malaman kung kwalipikado, basahin ang:

Bonus “Mamma domani”, ano ito at sino ang kwalipikadong matanggap ito?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinaghihinalaang bigas na may halong plastic o kemikal, kumpiskado

Sa anong mga kaso maaaring tapusin ang hiring o ‘rapporto di lavoro’? Ilan ang araw ng abiso?