Ang mga dayuhang manggagawa ay magdi-dismantle sa mga naiwan ng Expo 2015. Pagkatapos ay babalik sa sariling bansa.
Roma, Pebrero 8, 2016 – Pinapahintulutan ang pagpasok sa Italya ng 100 non-EU nationals na kasali sa Esposizione Universale di Milano 2015.
Sa dalawang linya ng decreto flussi 2016, kung saan ang kakulangan sa bilang ng mga manggagawang dayuhan na pinapahintulutan ng gobyerno ng Italya ay nanganganib na paasahin ang maraming manggagawa. Ngunit bago ito maging sanhi ng false hope, ay mainam na maunawaan muna kung sino talaga ang maaaring makarating sa Italya sa pamamagitan ng quota.
Ang isang literal na interpretasyon (ngunit mali dahil hindi kumpleto) ay maaaring mapaniwala na ang Italya ay nagbubukas sa kahit na sinong mamamayan ng mga bansang kasali sa Expo 2015. Isang malaking bilang dahil 150 ang mga bansang lumahok, (kung alphabetical order) literal na mula Afghanistan hanggang Zimbabwe.
Sa katunayan, ang 100 entries ay kakailanganin lamang sa Expo 2015 o, mas tamang sabihin na, para sa naiwan ng Expo 2015. Nilinaw sa paunang salita ng decreto flussi 2016”ang pangangailangan na maglaan ng quota o bilang sa mga papasok sa Italya sa 2016 ng mga non-Europeans nationals na kasali sa Expo Milan 2015 na ang parehong mga bansa ay mag-dismantle ng mga pavilions”.
Ang mga aplikasyon, samakatwid, ay maaari lamang isumite ng mga kumpanya (Italian o dayuhan man) na nagkakalas o nagdi-dismantle ng mga ginamit sa Expo 2015 na hinangaan ng buong mundo. Ito ay ang mga accredited companies ng Expo 2015 at mayroong access sa website ng Interior Ministry na nakalaan sa ganitong uri ng pagpasok sa bansa.
Ang 100 entries ay mapupunta sa Milan, magdi-dismantle ng mga pavilions at babalik sa sariling bansa. Ang kanilang permit to stat, tulad ng mababasa sa Linee Guida per Expo 2015, na inihanda ng Ministry of Interior, Labor at Foreign Affairs, “ay mahigpit na nauugnay sa naging partesipasyon at samakatuwid, ay hindi maaaring ma-renew o mai-convert at, sa expiration nito, ang dayuhan ay kailangang lisanin ang bansang Italya”.