Itinalaga ang bilang ng mga entry quotas ng mga papasok sa Italya upang mag-aral ng isang propesyon. Narito ang teksto ng ilalabas na dekreto
Roma, Setyembre7, 2012–Kahit ngayong taong ito ay sampung libong mganon-EU nationals ang maaaring pumasok sa bansang Italya upang mag-aral ng isang propesyon, sa pamamagitan ng vocational course o maaaring sa pamamagitan ng training.
Ang maximum number of visas na ibibigay para sa layunin ng pag-aaral, ay itinalaga sa pamamagitan ng isang dekreto na pinirmahan noong Hulyo 12 ng Ministro ng Laborna si Elsa Fornero habang hinihintay ang publikasyon nito sa Official Gazette na mayroong dalawang kategorya:
– 5,000 entries ay para sa sinumang lalahok sa vocational course na inihanda ng mga accredited entities, na maaaring magtangal hanggang 2 taon na mag-iisyu ng isang sertipiko ukol sa natanggap na kwalipikasyon
– 5,000 entries (na pinaghatian ng mga Regioni at mga province autonome) na pahihintulutang sumailalim sa training at orientation na kukumpleto sa vocational courses.Ang mga ito ay kailangang buhat sa mga promoters na itinalaga ng batas tulad ng employement center (centro per l’impiego, paaralan, università o mga authorized onlus entities.
Upang magkaroon ng entry visa, ang dayuhan ay dapat magsumite sa Italian embassy ng mga dokumentasyon ukol sa vocational course o proyekto ng training, na dapat aprubahan ng Regional office. Sa pagdating sa Italya ay magkakaroon ng permit to stay para sa pag-aaral, na maaaring i-convert sa trabaho kung matapos ang pag-aaral ay makakahanap ng trabaho.