in

10,000 na propesyunal papasukin sa bansang Italya

Sampung libong dayuhan ang maaaring makapasok sa Italya ngayong taong ito upang matutong magnegosyo, kumuha ng kursong propesyunal at magsanay sa bansa.

Ang bilang ay itinatag ng gobyerno mula noong Setyembre at puwede diumano, mag-aplay ng visa sa Italian Consulate.  

Limang libo ang nakalaan sa sinumang sasali sa kursong propesyunal sa Italya sa pamamagitan ng ahensyang may awtorisasyon. Ang mga kurso ay maaaring isagawa sa loob ng dalawang taon at mabibigyan sila ng sertipikasyon bilang propesyunal.

Ang limang libong entry visa ay para sa on-job-training, na dapat nilang gawin base sa proyektong inaprubahan ng mga tanggapang publiko na nagsasagawa ng formation sa iba’t ibang italian region.

Upang makapasok sa Italya, kailangang magpunta sa konsulado, dala ang application for entry visa, mga dokumenstayong may kinalaman sa kurso o pagsasanay. Ang sinumang makakapasok sa pamamagitan ng nabanggit ay bibigyan ng pagkakataong mag-convert ng permesso di soggiorno para sa trabaho, sa oras na siya ay matuto, maaaring maghanap ng ibang kumpanya na handa kang kunin bilang worker. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sanatoria – mabagal na proseso

Pangunahing dokumento sa para sa epektibong integrasyon