in

127 billion ng GDP, hatid ng mga imigrante sa Italya

Ang Added Value na hatid ng mga imigrante sa Italya ay halos katumbas ng kita ng Fiat! Ngunit, mababa ang kwalipikasyon sa trabaho na sanhi ng mababang kita. Narito ang ulat ng Leone Moressa Foundation.  

 

 

Roma, Oktubre 14, 2016 – Hatid ng mga dayuhang nagta-trabaho sa Italya ang 127 bilyong yaman at ito ay maihahambing sa kita ng Fiat o sa Added Value ng kilalang German carmaker. Ang tulong sa ekonomiya ng imigrasyon ay maisasalin sa halos 11 bilyong kontribusyon sa social security na ibinabayad taun-taon, sa 7 bilyong bayad na Irpef, sa higit na 550 kumpanyang pag-aari ng mga dayuhan na naghahatid ng 96 bilyong added value. Sa kabila nito, ang public expenses na hatid ng mga imigrante ay katumbas lamang ng 2% ng kabuuang public expenses ng bansa (15 bilyon, na napakaliit halimbawa ng 270 bilyon para sa pensyon). 

Upang mapanatili ang natatanggap na benepisyo mula sa mga dayuahn sa loob ng mahabang panahon, ay kailangang taasan pa ang productivity ng mga dayuhan sa pamamagitan ng hindi pagbibigay sa kanila ng mababang propesyon. 

Narito ang mga pangunahing resulta na inilahad ng Leone Moressa Foundation sa ika-anim na Annual Report ukol sa Ekonomiya ng Imigrasyon, inilathala sa pakikipagtulungan ng CGIA  Maestre, may patronage ng IOM at MAECI at inilahad kamakailan sa Viminale. Ang 2016 edition, “L’Impatto fiscale dell’Immigrazione”, ay naka-focus sa kontribusyon ng mga dayuhan sa kaban ng bayan. 

Patuloy ang pagiging mahalaga ng imigrasyon sa Italya. Mula sa demograpikong aspeto, halimbawa, noong 2015 ang working age ng mga Italians ay kumakatawan sa 63,2% habang ang working age naman ng mga dayuhan ay umabot sa 78,1%. Sa punto rin ng ekonomiya, ang yamang hatid ng mga dayuhan sa taong 2015 ay katumbas ng 127 bilyon (8,8 % ng national added value) mas mababa ng bahagya sa kita ng “gruppo Fiat” (Exor, na ang fatturato ay katumbas ng 136 bilyon). Halagang halos katumbas din ng added value ng isang German carmaker. Gayunpaman, habang ang produktibo sa sektor ng bawat manggagawa ay lampas ng 135,000 euro, sa kaso ng mga imigrante ang added value per employed ay higit sa 50,000.

Ang tunay na problema ay tila ang pagiging produktibo. Ang employment rate ng mga dayuhan ay mas mataas kaysa sa mga Italians, ngunit karamihan ng mga kaso (66%) ay low-skilled jobs, kung saan sa iilang kaso lamang matatagpuan ang mababang pinag-aralan ng mga dayuhan. 

Ang sitwasyong ito ay makikita sa malaking diperensa sa sahod ng maraming dayuhan at ng mga Italians, at samakatwid, mas mababang buwis na babayaran. Halimbawa, ang Irpef, ang pagkakaiba ng personal income per capita sa pagitan Italians at mga dayuhan ay 2000 euros.

Sa kabila nito, ang migrasyon ay patuloy na nagbubunga ng benepisyo sa bansa. Isa sa mga unang benepisyo ng imigrasyon ay ang mga kontribusyon sa pensiyon binabayaran ng employers ng mga dayuhan. Sa 2014 ang social security contribution ay umabot sa € 10.9 billion. Kung titingnan ang kabuuang halaga ng kita mula sa mediu  pension, ang kalkulasyon ng kontribusyon ng mga manggagawang dayuhan ay katumbas ng 640,000 italian pension. Sa halagang ito ay isasama ang added value ng kabuuang Irpef na ibinayad ng mga dayuhan (ang 8.7% ng kabuuang bilang) katumbas ng 6,8 billion. 

Makabuluhan din ang foreign entrepreneurship: sa taong 2015 mayroong 656,000 negosyanteng dayuhan at 550,000 ang mga kumpanyang pag-aari ng mga ito (9.1% ng kabuuang bilang). Sa mga nakaraang taon, mula 2011-2015, habang ang mga negosyong pinatatakbo ng Italians ay bumaba sa (-2.6%), ang pinatatakbo naman ng mga imigrante ay makabuluhang nadagdagan ng 21.3%. Ang mga kompanyang ito ay nagbigay ng 96 billion euros sa kabuuang 6.7% ng National Value Added.

Kung susuriin naman ang public expenses para sa imigrasyon, ang welfare at security ang nangungunang sector. Ang pagsusuri sa standard costs ay pinapakitang ang halaga para sa mga dayuhan ay mas mababa sa 2% ng public expenses. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Festa della Cultura sa Catania, naging makasaysayan!

500 euros kada refugee, para sa mga Comune