Hinihintay na lamang ang paglalathala sa Official Gazette. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang maaaring panggalingan ng mga seasonal workers. Simula May 5, maaari ng ihanda ang mga aplikasyon.
Roma – Abril 30, 2015 – Ang Italya, matapos ang matagal na paghihintay, ay muling nagbubukas para sa mga non-EU seasonal workers, pansamantala ngunit mahalaga sa sektor ng agrikultura at turismo.
Ang decreto flussi na nagpapahintulot sa pagpasok ng 13,000 non-EU seasonal workers, ay nai-rehistro na isang linggo na ang nakakaraan ng Court of Auditors at ilalathala na sa Official Gazette sa lalong madaling panahon. Narito ang buong teksto, pinirmahan noong Abril 2 ni undersecretary Graziano Delrio.
Ang mga kumpanya ay maaari lamang magpadala online ng aplikasyon pagkatapos ng paglalathala ng dekreto. Samantala, simula May 5 ay maaari nang mag-rehistro sa website ng Ministry of Interior, magfill-up at mag-save ng aplikasyon habang hinihintay ang petsa ng pagpapadala nito online.
Ang decreto flussi ay nakalaan para sa mga sumusunod na bansa: Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, South Korea, Egypt, ang dating Yugoslav Republic of Macedonia, Pilipinas, Gambia, Ghana, Japan, Indya, Kosovo, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro , Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukraine at Tunisia. Maaari ring bumalik ang mga seasonal workers na nasa Italya na sa mga nakaraang taon ng hindi isasaalang-alang ang nationality.
Naglaan ang dekreto ng 1500 entries sa mga seasonal workers na nasa Italya na sa mga nakaraang taon na hindi bababa sa dalawang magkasunod na taon. Ang kanilang mga employer ay maaaring humingi ng nulla osta al lavoro plurinnali, upang muling makabalik sa Italya sa mga susunod na taon nang hindi na maghihintay pa sa paglalathala ng dekreto.
Tulad taun-taon, ang 13,000 entries ay ipamamahagi sa iba't-ibang probinsya batay sa pangangailangan. Samantala, ang mga Ministries of Interior at Labor ay nagpalabas ng unified circular kung saan nagsasaad ang mga nilalaman ng dekreto at ipinaliwanag ang pamamaraan sa pagsumite at pagproseso ng mga aplikasyon.
La circolare congiunta Interno-Lavoro