Inilathala ang mini-decree. Quotas para sa mga subordinate workers at self-employed, ngunit ang karamihan ay para sa coversion ng mga permit to stay ng mga nasa bansang Italya na. Mga aplikasyon simula Dec 7.
Roma, Nov 23, 2012 – Kalalathala lamang sa Official Gazzette ng isang mini-decree, kung saan nasasaad ang pagpasok ng 13,850 new entries para sa subordinate jobs at self-employment. Ang karamihan sa quotas ay nakalaan para sa conversion ng mga permit to stay ng mga imigrante na nasa bansang Italya na.
Ang mga entry quotas ay hinati ng ganito:
Mula sa ibang bansa:
2,000 self-employed (mga businessmen na ang pangunahing interes ay ang ekonomiya ng Italya: freelance professional na kabilang sa listahan ng public administration; non coop company, artist/performers na kilala internationally o high-skilled professionals, buhat sa public or private entities)
100 self-employed o subordinat buhat sa Italian origin (hanggang third degree) residente sa Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazile.
Conversion ng mga permit to stay sa subordinate jobs:
4,000 permit to stay sa seasonal job
6,000 permit to stay sa pag-aaral (studio), apprenticeship at vocational course
500 long term residence permit na ibinigay sa mga mamamaya ng third countries buhat sa ibang bansa ng EU
Conversion ng permit to stay para sa self-employment:
1,000 permit to stay sa pag-aaral(studio), apprenticeship at vocational course
250 long term residence permit na ibinigay sa mga mamamaya ng third countries buhat sa ibang bansa ng EU
Ang paghahati ng mga nabanggit na new entries ay ayon sa mga aplikasyon na matatanggap. Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala simula 9:00 ng umaga ng Dec 7 at maaaring sa pamamagitan ng internet.