in

15 euro increase sa presyo ng visa!

Mula July 1 ay tumaas sa € 105 ang presyo ng visa, na kinakailangan sa pagpasok sa Italya sa pamamagitan ng Direct hire o petisyon. Higit na mataas ang bayarin kung dadaan sa mga agency.

altRome – Ang halaga ng visa sa pagpasok sa Italya ay nagtaas na rin. Mula sa Hulyo 1, ang presyo ng visa para sa matagalang pananatili sa Italya tulad ng petisyon o ng direct hire ay tumaas mula 90 sa 105 euros, na dapat bayaran sa mga Italian Consulates at Embassies sa oras ng releasing ng visa. Ito ay isang karagdagang regalong naantala, dahil ang parehong batas isang taon na ang nakalipas ay nagpataw rin ng isang paunang pagtaas mula 75 sa 90 euros.

Ang uring ito ng visa ay kinakailangan sa Italya upang manatili ng mas mahaba sa tatlong buwan.Mas mababa naman ang bayarin para sa iba pang mga uri ng visa. Ang tourists visa, halimbawa, ay magbabayad lamang ng 60 € (ngunit ang mga bata na may edad ng anim hanggang  abindalawang taon at ang mga mamamayan ng bansa ng EU ay magbabayad lamang ng 35), habang libre naman ang releasing ng iba pang mga kaso, tulad ng para sa mas bata sa anim na taong gulang, mag-aaral, mga mananaliksik o mga mag-aaral sa nasa isang educational trip.

Bukod sa halaga ng mga visa, sa kabilang banda, sa mga nakaraang taon, ang gastusin sa pagpasok sa Italya ay tumaas dahil maraming mga consulates ang kapos sa man power at umaasa sa mga private sectors o agencies. Sa pamamagitan ng kanilang mga tanggapan, ang mga dayuhang nagnanais na makarating ng Italya ay dito nagsusumite ng aplikasyon at nagkakaroon ng mga appiontments kung kaya’t nagbabayad ng higit na service charge.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Official launch of the Puerto Prinsesa Underground River Campaign

European Parliament, “Huwag galawin ang malayang paglalakbay ng mga bansang kasapi ng Schengen”