in

1,500 euros sa sinumang magtatanggal sa colf, caregiver at babysitter

Mula Enero 1 ng taong kasalukuyan ang mga employer na  magtatanggal sa mga domestic workers  na mayroong contratto indeterminato ay dapat magbayad sa gobyerno ng higit sa 480 euros para sa bawat huling tatlong taon ng serbisyo. Ito ay ayon sa reporma ng Paggawa. Assindatcolf: “Sa ganitong paraan ay lalong lalalà ang irregularities”.

Rome – Enero 31, 2013 – Isang mabigat sa bulsang aabot sa halos 1500 euro sa sinumang magtatanggal sa mga colf, caregiver at babysitter. Isang regalong itinago sa reporma ng Paggawa, na sinimulang ipinatupad noong nakaraang Enero 1 na maging ang mga employer ng domestic job ay pinipilit itong ipatanggal.

Lahat ng ito ay nagmula sa Assicurazione Sociale per l’Impiego, ang bagong uri ng tulong pinansyal sa mga nawalan ng trabaho. Ang reporma ay nagsasaad na ang sinumang magtatanggal sa isang worker na mayroong contratto indeterminato, ay magbabayad ng halagang katumbas ng 41 % ng maximum coverage ng ASpI para sa bawat 12 buwan sa huling 3 taon”.

Sa madaling salita, ay katumbas ng 483.8 € bawat taon, hanggang aabot sa € 1451.4. Ang nabanggit na halaga ay tumutukoy sa mga private workers ng lahat ng sektor, kabilang din ang domestic job, kahit ilang oras ng trabaho: ang sinumang magtatanggal sa isang colf na nagta-trabaho ng 4 na oras per wk, ay magbabayad rin ng parehong halaga ng sinumang magtatanggal ng trabaho sa isang full-time caregiver.  

Ang pagbabayad, ayon pa rin sa batas, ay gagawin tuwing ang worker ay matatanggal sa trabaho ng hindi nito kagustuhan”. “Hindi babayaran, sa halip kung nag-resign o paraheng kagustuhan ng dalawang parte ngunit kailangang bayaran, halimbawa, kung mamamatay ang inaalagaan ng caregiver”, paliwanag sa Stranieriinitalia.it ni Teresa Benvenuto, ang national head ng Associazione nazionale dei datori di lavoro domestico.

At ang Assindatcolf mismo ang naglabas ng kaso matapos ang isang maingat na pagsusuri sa reporma at nag-kalkula ng halagang dapat bayaran.

"Mayroong galit sa mga employer, pakiramdam nila ay parusa ito sa pagpapanatili ng regular worker at sa ngayon ay kailangan na nilang tanggalin”, kwento ng national leader.

Bagaman ang mga asosasyon ay mayroong ilang bagay na dapat sabihin ngunit maaaring isipin na matapos ang pagsusuri ng mga pamilya, ay pagbibitiwin na lamang ang kanilang mga workers o colf , at pagkatapos ay magpatuloy sa irregular job. Sa sektor na kung saan tinataya ang halos 50% irregulars ay isang hakbang lamang ang kinakailangan upang tuluyang matanggalan ng anumang obligasyon.

"Ang pagpapatupad sa domestic job ng kontribusyong ito matapos tanggalin sa trabaho ang colf ay hindi para sa ikakabuti ninuman, at lalong higit ay magiging daan upang lumala ang irregularities. Naniniwala ako na ito ay hindi nabatid ng gumawa ng batas, ngunit malaki ang katumbas nito sa mga pamilya. Dapat tanggalin”, ayon pa kay Benvenuto.  

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sagot mula sa pamahalaan. Ilang lingo bago ang halalan, sino ang maglalaks-loob kumilos ukol sa ‘hindi nabatid’ ng reporma?

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

European network for Filipino diaspora sets up formal structures in Malta

Carnevale di Venezia, pinaka-aabangang festival sa Italya