Inaabangan ang nalalapit na paglabas ng decreto flussi. Magrini (Coldiretti): “Kailangan ang manpower, ngunit kailangang labanan ang false hiring, sa tulong ng mga professional associations”.
Roma, Marso 2, 2017 – Aabot sa bilang na 17,000 ang mga foreign seasonal workers sa taong 2017 ang pahihintulutang makapasok sa Italya at makapag-trabaho ng ilang buwan sa sektor ng agrikultura at turismo.
Ito ay nilalaman ng decreto flussi kung saan nasasaad din ang pagpasok sa bansa ng mga non-seasonal workers (kaunti at mas mahigpit katulad ng paglahok sa mga special formation course sa sariling bansa) at ang conversion ng mga permit to stay. Ang teksto, na inaasahang lalabas sa mga susunod na linggo (o buwan), ang magtatakda ng petsa sa simula ng pagsusumite ng aplikasyon online, o ang tinatawag na click day.
Walang inaasahang anumang pagbabago kumpara sa mga kabilang na bansa kung saan manggagaling ang mga workers. Ito ay ang mga sumusunod: Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, South Korea, Ivory Coast, Egypt, Ethiopia, Republic of Macedonia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Ukraine at Tunisia.
Samantala, nagkaroon naman ng mga pagbabago sa pagpasok at paninirahan ng mga foreign seasonal workers. Kabilang na dito ang batas sa sektor ng paggawa, mas madaling multi-year working permit ng mga workers na nag-trabaho na sa bansa sa mga nagdaang taon at ang pagpapatupad ng mga mas mahigpit na patakaran sa accommodation pati na rin ang paglaban sa mga kumpanyang nagpaparating sa bansa ngunit hindi nagpapatuloy sa hiring ng mga workers. (Narito ang detalye at paliwanag ng Ministry of Interior at Labor).
“Ang flussi ay hindi maaaring gamitin ng mga nasa Italya na at walang permit to stay o para sa hiring ng mga workers sa ibang sektor, maliban sa agrikultura at turismo. Layuning labanan ang ‘false hiring’ at asahan ang hindi paglusot ng mga ito, na nakakapinsala lamang sa tunay na seasonal workers at sa mga kumpanya na nangangailangan ng manpower tulad sa simula ng anihan”, paliwanag ni Romano Magrini sa Stranieriinitalia.it, ang head ng labor ni Coldiretti.
Sa lahat ng mga walang trabaho na nasa Italya na, Italians o dayuhan man, hindi na kailangan ang bagong dekreto? “Ang seasonal job sa mga bukirin ay mayroon ding mga unemployed, ngunit mayroon ding libo-libong dayuhan na taon nang nagpupunta sa Italya para mag-trabaho ng ilang buwan at mayroon ng maayos at matatag na relasyon sa mga kumpanya. Sila ay bihasa na, kahit seguridad ang pag-uusapan at ang trabaho nila ay hindi na mapapantayan. Samakatwid, ang dekreto ay mahalaga”, paliwanag pa ni Magrini.
Kabilang sa mga bansang nasasaad sa decreto flussi ay mga bansang malalayo. Marahil ay nagtatanong kung makatwiran bang magbayad ng mahal na pamasahe upang magpunta ng Italya at mag-trabaho lamang ng ilang buwan. “Tama ka, ngunit sa ngayon ay mayroon ng mga low cost fare. Isang gastusin na unti-unting nababayaran ng halagang kinikita sa Italya at ito ay ginagamit rin naman ng mga workers bilang puhunan sa kanilang sariling bansa sa ibang buwan”, dagdag pa ng eksperto ni Coldiretti.
Gayunpaman, ay kailangan pa ring maghintay ang 17,000 foreign seasonal workers na sinasamantala naman ng maraming intermediators sa pamamagitan ng pagbibigay ng kulang at maling impormayson.
“Marahil ay magkakaroon ng maraming aplikasyon na hindi sapat ang mga requirements, na siguradong tatanggihan. Ito ay maaaring labanan sa pamamagitan lamang ng pagdaan ng mga aplikasyon sa mga professional associations na maaaring sumala sa mga aplikasyon at ang isumite lamang ang mga nagtataglay ng tunay na demand at offer ng seasonal job. Ito ay ang aming mungkahimng naisasantabi matagal na”, pagtatapos ni Magrini.