in

1,7 milyong migrante ang tatanggap ng higit na 1,000 euros sa mga busta paga

Nag-anunsyo ang pamahalaan ng isang diskwento sa buwis ng mga manggagawa na sumasahod hanggang 25,000 euros kada taon. Para sa Leone Moressa foundation: halos 15% ng mga dayuhan ang makikinabang ng bagong panukala.  
 

Rome – Marso 17, 2014 – Isa sa pinaka-hihintay na nilalaman ng Budget bill ang inanunsyo noong nakaraang linggo. Ito ay ang increase sa Irpef deduction para sa mga empleyado na mayroong gross income hanggang 25,000 euros kada taon. 
 
Tinatayang 11 million workers ang makikinabang sa halos 10 billion euros na diskwento sa buwis na nasasaad sa panukala. Samakatwid, pumapatak sa halos 1,000 euros ang average amount na maaaring matipid sa isang taon at “sa unang pagkakataon ay malaki-laking halaga ang papasok sa bulsa ng mga manggagawa”, ayon kay Matteo Renzi, at kung matutupad ang mga ipinangako ng bagong Premier, ang increase na ito ay simulang makikita sa pay slip o ang kilalang busta paga sa Mayo. 

 
Kung pag-aaralang mabuti, ang rebolusyong ito ay itinalaga para sa mga sumasahod ng average income, hanggang sa net income ng 1500 euros. Isang kategorya, kung saan nabibilang ang malaking bilang ng mga migrante, na karaniwang ang sahod na tinatanggap ay mas mababa kaysa sa mga Italians. 
 
Ang Leone Moressa Foundation ay tinatayang aabot sa 1,7 million migrant workers, katumbas ng 15,4% ng kabuuang bilang, ang makikinabang Irpef deduction, at samakatwid ay higit na sahod.  Sa katunayan, batay sa Irpef declaration 2012 (ang pinaka huling available na report), ay excluded ang mga sumasahod hanggang 25,000 euros kada taon na itinuturing na tumatanggap ng mababang sahod at hindi magbabayd ng buwid na ito. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Re Salvador, itinampok sa “Il futuro è troppo grande”

Mga employer, mag-kwenta muna bago ang dichiarazione dei rediti