Isang liham para sa mga batang migrante na magdi-disiotso anyos: “Ilang mga dayuhan lamang ang nakakaalam sa pagkakataong ito”
Rome – Magmula sa Lunes, 480 mga kabataang mga anak ng dayuhan ngunit ipinanganak sa Italya 18 taon na ang nakakaraan at residente sa lalawigan ng Milan, ay makakatanggap ng isang liham mula sa tanggapan ng Assessor ng Social Affairs Pierfrancesco Majorino. Ito ay magsisilbing paalala sa lahat ng isinilang sa Italya na pagsapit ng labinwalong taong gulang ay ipagkakaloob ang Italian citizenship ng awtomatiko, kung nanatili lamang sa bansa ng labinwalong taon at idedeklara ang paghahangad na maging Italyano sa tanggapan ng Registrar of Cicvil Status bago sumapit sa edad na labingsiyam.
Ito ay ayon sa Artikulo 4, talata 2 ng Batas 91 ng 1992. 2″ Ito ay isang hakbang sa mga karapatan ng kabataan – ayon kay Majorino – kung gagawin sa loob ng isang taon. Sa katunayan, sa pagsapit ng edad na 19 , ito ay hindi na maaari pang makamit at upang maging isang ganap na Italyano ay dapat ng mag-aplay sa Ministri ng Interior, sa pamamagitan ng Prefecture ,ngunit may panahon at gastusing kinakailangang harapin.”
“Ang mga batas sa Italya ng citizenship ay isa sa mga pinaka mabagal at pinaka mahirap,” paalala ng Assessor sa pagtatanghal ng inisyatiba. “Ito ay isang mahalagang paksa na may kaugnay ang lokal at nasyunal na administrasyon. Ang Lungsod ng Milan ay nais na makatulong sa ganitong paraan, dahil ayon sa Civil Registry, iilang mga kabataan lamang ang nakaka- alam ng posibilidad na ito. “
Ang mga liham ay ipapadala hanggang sa taong 2016 tuwing ikatlo/ikaanim na buwan batay sa kaarawan ng mga kabataan. Ang kampanya “Una finestra sui tuoi diritti” ay isa sa mga unang bunga ng task force na binubuo ng mga kabataang dayuhang ipinanganak at residente sa lalawigan ng Milan, na binuo sa kahilingan ng Assessor ng Social Affairs na pinangangalagaan naman ng Administrasyon ukol sa Ikalawang henerasyon.