in

1M euros sa pagtuturo ng italian language sa mga foreign students

Ito ay gagamitin din sa mga hospitality projects at psychological support. “Partikular na atensyon sa mga unaccompanied minors”, Minister Giannini. 

 

Roma, Setyembre 12, 2016 – Bagong pondo para sa pagpasok ng mga mag-aaral sa eskwela ngayong Setyembre. Ito ay magpapahintulot upang magkaroon ng italian language course, pati na rin ang mga psychological support, para sa mga menor de edad na kinuha ng magulang sa pamamagitan ng family reunification kasama na rin ang mga dumating na lang sa Italya o ang tintawag na unaccompanied minors. 

Kinumpirma ni  Minister of Education, University and Research, Stefania Gainnini na pinirmahan nito ang dekreto para sa pondo ng 80 million euros para sa pagpapalawak ng scholastic formation partikular, para sa hospitality projects, linguistic at psychological support na pinondohan ng isang milyong euros. 

Patuloy ang ating pamumuhunan para sa integrasyon ng mga kabataang hindi Italian citizens, sa pamamagitan ng pagbibigay ng partikular na atensyon sa mga non accompanied minors, isang nakalulungkot na katotohanan”, bigay-diin ni Gainnini. 

Kabilang sa mga priority training ng  reporma sa edukasyon ang  pagtuturo at pagbutihin ang Italian bilang second language. Bukod dito, ay mayroon ng public competition ng “italiano L2” na sa taong ito ay inaasahan ang pagkakaroon ng unang 500 mga specialized teachers. 

Ang mga mag-aaral na non-Italian citizens sa mga paaralan sa buong Italya ay higit sa 800,000, ngunit higit sa 50% nito ay sa Italya na ipinanganak. Ang 21% ay nakatala sa nursery school, ang 36% naman sa mababang paaralan at ang 20% ay nakatala sa middle school at 33% sa mataas na paaralan. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Remittance mula Lombardy region, tumaas ng 1.2 billion sa isang taon

Mga kabataang Italo-Pinoys, namamayagpag!